10 Questions with Alab Pilipinas’ Robby Celiz

Ceej Tantengco on Feb 10, 2017 02:23 PM
10 Questions with Alab Pilipinas’ Robby Celiz
"Second life, second chance." -- Robby Celiz on what Alab Pilipinas means to him.

We were told Robby Celiz was shy. The 6’4” cager born in Cadiz, Negros Occidental is not used to dealing with the media outside the games, and when The Score interviewed him at home, the former NU Bulldog would sometimes ask his own question: “Okay na ba ‘yung sagot ko?” 

After an afternoon of talking, though, Celiz let his guard down—cracking jokes about his Alab Pilipinas teammates and talking candidly about the struggles he had to overcome. 

Pinanganak ka sa Negros Occidental ngunit sa Quezon City na lumaki at natutong maglaro. Nakikita na ba sa iyo ‘yung galing noong bata ka?

Hindi pa eh, pero medyo malaki na ako noon. Kaya tingin ko nadala lang ako ng height ko noong una. Hindi rin ako nag-basketball camps. Ni-recruit ako ng NU mula [Rizal Technological University] matapos nila ako makitang maglaro. 

Of course, the best ‘yung mga araw na ‘yun kasi talagang dream ko mag-UAAP.

Teammate mo sa NU Bulldogs si Ray Parks Jr. Anong pakiramdam ngayong magkasama ulit kayo sa Alab Pilipinas? 

Kaya nga eh. Masaya, syempre kasi magkasama ulit pero…nababangko ako dahil sa kanya eh! [laughs] Hindi, joke lang! Doon sa NU pa lang, kahit papaano close na kami ni Ray kaya pagdating rito, kaunting kulitan, biruan. May kopya pa nga ako ng luma naming mga picture sa NU. May bigote pa!

Para sa’yo, ano ang pinamalaking tagumpay mo bilang atleta?

Nag-champion kami sa D-League back in 2013 sa Blackwater, tapos nakarating ako ng PBA.

Ano naman ‘yung pinakamahirap na pinagdaanan mo?

Noong rookie year ko kasi, dinrop ako ng Talk ‘N Text. Alam naman natin ‘yung team na ‘yun, talagang powerhouse. Wala akong slot kaya naging practice player ako for a year. Natuwa akong na-line up ako kaya lang, kasi nga powerhouse sila, hindi ako nabibigyan ng minuto. One time nga, first game ko against Alaska, wala pang 20 seconds ako naglaro!

Paano mo pinatitibay ‘yung loob mo noong panahon na ‘yun?

Syempre, para sa sarili mo na lang, every day mag-practice ka at gumawa ng paraan para gumaling ka.

 

Naramdaman mo bang naghihintay ka ng pagkakataong magpakita ng galing?

Well malaking factor ‘yun. Syempre, paano ka nga makikita kung hindi ka nabibigyan ng time? Pero yung teams din ngayon sa PBA, sobrang powerhouse kaya kung ano mang oras ang ibigay sayo—kahit two minutes o three minutes lang—ibigay mo na lahat.

Anong ibig sabihin ng Alab Pilipinas para sa iyo?

Second life, second chance. Karamihan sa amin, ex-pro. Kung maganda ang ipakita namin, sana may mga coaches sa PBA na makita ulit kami at mabigyan ng pagkakataong makatuntong ulit sa PBA.

Maraming players ng Alab Pilipinas ang natutuwa dahil hinahayaan ni Coach Mac Cuan na ilaro niyo ang laro ninyo. Kamusta naman siya para sa iyo? 

Syempre nagpapasalamat ako kay Coach Mac na binibigyan ako ng pagkakataon. Malaking tulong sa akin ni Coach Mac kasi every day sa practice, pinu-push niya ako. Sinasabi niya sa akin ‘yung mali ko, mga dapat kong i-improve.

‘Yung pinakamaganda sa kanya ‘yung hinahayaan kaming ilaro ‘yung laro namin—hindi lang sa akin, buong team nagsasabi, pati mga bago naming imports. Laruin lang naming ‘yung laro namin, hindi siya magagalit.

Malaking bagay ‘yung confidence na binibigay ni coach sa akin.

Mula 1 hanggang 10, nasaan na ang championship chances ng Alab?

Siguro 9. Mayabang diba? [laughs] Despite na hindi pa kami ganoong ka-gelled talaga—kung nakikita mo, may lapses kami kapag malapit nang matapos ‘yung laro—maganda ‘yung standing namin. What more pa kung ma-improve namin ‘yun?

Sa lahat ng ito, sino ang inspirasyon mo para maglaro at magpatuloy sa basketball?

Tatay ko. Siya ‘yung nagturo sa akin maglaro. Sinasama niya ako kapag may liga siya, mga larong kanto, ganoon. Dream ng tatay ko maglaro sa commercial league at makarating sa PBA.

Hindi niya narating ‘yun pero I’m lucky na nandito ako ngayon.

 

 

--

Ceej Tantengco is a reporter and writer for S+A. Follow her on Twitter, Facebook and Instagram

Latest News