Mag-amang Paras, binisita si Pacman!

ABS-CBN Sports on Apr 02, 2015 05:28 PM
Mag-amang Paras, binisita si Pacman!
(Litrato mula sa Twitter account ni Kobe Paras)

Todo-todo ang pagsuporta ng ating mga kababayan para sa nag-iisang People’s Champ na si Manny Pacquiao!

Sa pagkakataong ito, ang nagpakita naman ng suporta kay Pacman ay ang mag-amang basketbolista na si Benjie Paras at ang anak na si Kobe sa pamamagitan ng kanilan pagbisita kay Manny sa kanyang tahanan sa Los Angeles, California.

Makikita sa isang litrato na ibinahagi ni Kobe sa kanyang Twitter account (@Im_Not_Kobe) na nagsama-sama ang tatlong tanyag na atletang Pinoy.

 

Isang dating sikat na manlalaro sa PBA na kilala bilang “The Tower of Power”, si Benjie Paras pa lang ang nakakagawang makamit ang karangalang Rookie of the Year at Most Valuable Player sa iisang conference lamang. Sumusunod naman sa yapak niya ang anak na si Kobe, na isa mga pinaka-inaabangang high school player sa California. Kakatapos lamang ni Kobe at ng kanyang high school team na LA Cathedral Phantoms na lumahok sa California State playoffs, ngunit sila’y natanggal na mula sa kumpetisyon.

At siyempre, kilala na nating lahat ang nag-iisang si Manny Pacquiao, ang ating eight-division world boxing champion na ngayo’y matinding naghahanda para sa kanyang napipintong sagupaan laban sa undefeated na si Floyd “Money” Mayweather sa dadating na May 2 (May 3, Manila time).

Latest News