Bago siya naging kampeon, siya si "Kid Kulafu"

Santino Honasan on Apr 07, 2015 05:10 PM
Bago siya naging kampeon, siya si

Bago pa man naging kampeon si Manny Pacquiao, matinding paghihirap ang kanyang dinaanan, at hindi lamang ito nang dahil sa kanyang pag-eensayo.

Mula pa lang sa kanyang pagka-bata, madami nang laban ang kinailangang harapin ni Manny bago pa man siya napasok sa mundo ng boksing, at ito ang nais ibahagi ng pelikula ni Direk Paul Soriano na Kid Kulafu.

Ayon kay Buboy Villar na siyang gumanap bilang batang Manny Pacquiao, sinasalamin ng kaniyang buhay ang naging buhay ni Pacman noon.

“Naging basurero ako nung bata ako, siya naman magbobote. Yung family niya medyo magulo, yung family ko hiwalay na, so madali akong naka-hugot sa role na ‘yun.” ayon kay Villar sa isang panayam sa Umagang Kay Ganda.

Dagdag pa ni Villar na matinding hirap din ang kanyang dinanas sa pag-eensayo para sa kanyang pag-ganap kay Manny sa pelikula.

Para sa buong panayam at ang reaksyon ni Manny sa pelikula, panoorin ang video:

Ipapalabas ang "Kid Kulafu" sa mga sinehan sa dadating na April 15!

Latest News