Pacman, ipinakitang-gilas ang pang-UFC na moves!

ABS-CBN Sports on Apr 10, 2015 08:42 AM
Pacman, ipinakitang-gilas ang pang-UFC na moves!
(Mga litrato at video mula sa Instagram account ni Erwin Tagle: @erwintaglemma)

Simula nung ipinamalas ni eight-division World Champion Manny Pacquiao ang angking galing sa larangan ng boksing, marami na ang nagtanong kung maari kaya niyang dalhin ang kanyang galing sa larangan ng mixed martial arts.

Marahil ay hindi na natin malamaman kung magiging matagumpay si Manny sa MMA, pero para sa ngayon, binigyan tayo ng "patikim" ng MMA skills ni Pacman!

Sa larawan na ito mula sa Instagram ni Erwin Tagle, makikita ni binibigyan ni Pacman ang Pinoy MMA legend ng isang matinding "rear-naked choke."

 

 

#TBT #kidkulafu project @starcinema @abscbnpr @mannypacquiao @ten17p

A photo posted by erwin tagle (@erwintaglemma) on Apr 8, 2015 at 8:48pm PDT

Bagamat nagmimistulang laro-laro lamang ang pag-"sakal" ni Manny kay Erwin, hindi maiiwasang tanungin sa sarili na "paano kaya kung sinubukang mag-MMA ni Pacman?"

---

Si Erwin Tagle ay isa sa mga pinaka-kilalang personalidad sa mundo ng MMA dito sa Pilipinas, at para sa nakararami, isa si Tagle sa mga unang nagpasikat ng MMA sa ating bansa.

Si Tagle din ang nagsilbing fight director para sa pelikulang "Kid Kulafu" kung saan ibabahagi sa sangkatauhan ang naging buhay at hirap ni Pacquiao bago pa man siya kinilala bilang si "Pacman."

Makikita sa maiksing video sa baba ang pag-alalay at pag-turo ni Tagle sa mga bida ng Kid Kulafu upang masigurong maganda ang magiging mga fight scenes sa pelikula.

 

 

#TBT #kidkulafu showing april 15 nationwide @starcinema @abscbnpr @ten17p

A video posted by erwin tagle (@erwintaglemma) on Apr 8, 2015 at 11:14pm PDT

 

Mapapanood na ang Kid Kulafu sa dadating na Wednesday, April 15 sa mga sinehan sa buong bansa!

Latest News