Si Pacman at si Mailman!

ABS-CBN Sports on Apr 10, 2015 09:13 AM
Si Pacman at si Mailman!
(Litrato mula sa Instagram account ni Manny Pacquiao (@mannypacquiao)

Dumadami ng dumadami ang mga personalidad na bumibisita sa kampo ni eight-division World Champion Manny Pacquiao bago ang kanyang napipintong laban kay Floyd Mayweather sa dadating na Mayo!

Ang pinakahuling dumalaw kay Pacman ay walang iba kundi ang NBA Legend na si "The Mailman" Karl Malone!

Ibinahagi ni Manny sa kanyang Instagram account (@mannypacquiao) na bumisita ang former NBA MVP sa Wild Card Gym sa Los Angeles California.

 

 

Thank you Karl Malone for visiting me today. God Bless you and your family.

A photo posted by Manny Pacquiao (@mannypacquiao) on Apr 9, 2015 at 3:45pm PDT

 

Maliban sa boksing, alam naman nating lahat na si Manny ay mahilig din sa basketball, at kung hindi siya nasa loob ng ring para lumaban, malamang ay nasa basketball court siya, kasama ang kanyang koponan sa PBA na KIA. Siguradong ikinatuwa ni Manny ang dalang regalo ni Malone para sa kanya na 1992 Dream Team jersey!

 

Ang misis ni Malone na si Kay Kinsey ay isang half-filipina, kaya't hindi malayong "Laban, Manny!" ang isisigaw ng former Jazz forward pagdating ng araw ng laban!

Latest News