Buong bayan, naki-isa kay Pacman!

Santino Honasan on Apr 28, 2015 06:59 PM
Buong bayan, naki-isa kay Pacman!
Nagtipon-tipon ang ilang mga kababayan natin upang ipakita na sila ay #OneForPacman

 

Naging matagumpay ang itinanghal na Isang Bayan para kay Pacman Free Concert noong nakaraang Sabado, April 25 ng hapon sa Marikin Sports Complex.

Daan-daang tao ang dumalo at nakisaya habang ang ilan sa mga paboritong Kapamilya stars ang naghanda ng mga song and dance number para sa mga kababayan natin na nais maki-isa kay “People’s Champ” Manny Pacquiao habang siya’y naghahanda para sa kanyang nalalapit na bakbakan kay Floyd “Money” Mayweather.

Hinarana ng ilang mga Kapamilya singers na tulad nila Jay-R, EA Guzman, Nyoy Volante, at Bugoy Drilon, at iba pa ang mga nagsisigawang fans, habang nakisaya din ang ilang mga UAAP Courtside reporters tulad nila Tricia Robredo, Laura Lehmann, at Nicole Yu.

Hindi din nagpahuli ang ilang mga Kapamilya TV stars na naghanda din ng sarili nilang mga performance upang pasayahin ang mga dumalo sa Marikina Sports Complex.

Bago natapos ang gabi, umawit din si Barbie Almalbis at ipinamalas ng El Gamma Penumbra ang kanilang world-class talent.

Ang nagmistulang “main event” ng gabi ay ang pag-kanta ni Quest ng official theme song ng Isang Bayan para kay Pacman, ang “Isang Laban, Isang Bayan, kung saan inanyayahan ang lahat ng manonood na sabayan ang sayaw at mag-all out sa kanilang pagpapakita ng suporta para kay Pacman!

Ilang araw na lang mga Kapamilya, at sasabak na si Manny sa pinaka-malaking laban ng kanyang buhay bilang boksingero. Huwag tayong magsawang ipakita ang ating suporta para sa ating paboritong Pilipinong mandirigma.

Punta na sa oneforpacman.abs-cbn.com at maki-suntok o di naman kaya’y mag-iwan ng mensahe para kay Manny!

Maraming salamat sa lahat ng dumalo sa Marikina Sports Complex, at tandaan, lahat tayo ay #OneForPacman

Latest News