Naki-isa ang buong bayan sa bagong music video ng “Isang Laban, Isang Bayan.”

Santino Honasan on Apr 28, 2015 10:38 AM
Naki-isa ang buong bayan sa bagong music video ng “Isang Lab
"Pitong libot isang daang dahilan Bawat isla, Lahat bida Isang daang milyong pangarap ang nakalaan Isa lang ang nasa ring, partida"

 

Tuloy-tuloy ang pag-eensayo ni Pacman sa kanyang nalalapit na laban kontra kay Floyd Mayweather, at ang bansa naman ay tuloy-tuloy lang din ang pagpapakita ng suporta para kay People’s Champion Manny Pacquiao!

Noong nakaraang linggo, nag-tulungan sina producer Jonathan Manalo, Jose “Quest” Villanueva, at Yeng Constantino upang gumawa ng kanta, alay sa ating kampeon na si Manny.

Ang awit na “Isang Laban, Isang Bayan” ay unang narining sa It’s Showtime noong nakaraang Miyerkules, at ngayon naman, ito’y mayroon nang sariling music video!

Makikita sa nasabing music video ang pagkakaisa ng ilang mga kapamilya stars, mga mamayang Pinoy, at mismong si Manny!

 

Sa nalalapit na laban ni Manny, ipakita natin na ang buong bayan ay kasama niya sa bawat suntok, bawat salag, at bawat sandali! Ipakita natin na ng buong bayan ay #OneForPacman!

Latest News