Nietes: 'Lalaban ako hanggang kaya ng katawan ko'

Milan Ordoņez on Sep 07, 2015 03:29 PM
Nietes: 'Lalaban ako hanggang kaya ng katawan ko'
Photo credit: Josh Albelda/ABS-CBN Sports

Sa loob ng labindalawang dekada sa ibabaw ng boksing ring, malayo na ang narating ng WBO light flyweight champion na si Donnie Nietes.

Hawak ang rekord na 36-1-4 (21 na knockout na panalo), at ang rekord ng pagiging pinaka matagal na Pilipinong world champion, marami nang napatunayan ang tatlumpu’t-taong gulang na boksingero.

Sa larangan ng boksing, edad ang nagiging pinaka matinding kalaban ng halos lahat ng manlalaro. Pero para kay Donnie Nietes, hindi ito basehan para katagalan ng kanyang karera.

“Para sa akin, hindi na ako nagbabase sa edad,” tugon ni Nietes sa isang eksklusibong panayam sa ABS-CBN Sports. “Depende sa kakayanan ng katawan ko. Kaya pa ng katawan ko, so go parin.”

Sasabak si Nietes sa kanyang ika-pitong title defense kontra sa Meksikanong si Juan “Pinky” Alejo sa ika-17 ng Oktubre sa kauna-unahang fight card ng ALA Promotions sa Estados Unidos. Ang “Philippines vs. the World” ay gaganapin sa StubHub Center sa Carson, California.

--

Follow this writer on Twitter: @Mr_Ordonez

Latest News