Pacman, nakikiramay sa pagkamatay ni Muhammad Ali

Santino Honasan on Jun 04, 2016 06:44 PM
Pacman, nakikiramay sa pagkamatay ni Muhammad Ali
"“Isa siya sa mga inspirasyon natin kung bakit tayo nasa boxing.” -- Manny Pacquiao (AP Photo)

Ikinalungkot ng buong mundo ang pagkamatay ng boxing legend na si Muhammad Ali, at ang sarili nating boxing legend na si Manny “Pacman” Pacquiao ay nakikiramay sa pamilya ng tinatawag ng marami na “The Greatest.” 

“Nakikiramay tayo sa kanyang pagka-matay, sa kanyang pamilya, At yung nagawa niya, na na-accomplish niya sa boxing, nabigay niyang pangalan sa boxing, ay hindi makakalimutan yun.” sabi ni Pacquiao sa isang panayam.

Pero sa kabila ng mga kontribusyon ni Ali sa boxing, na-banggit din ng eight-division world champion na higit pa sa loob ng ring ang mga kanyang mga naabot.

“Muhammad Ali, hindi makakalimutan yan lalung lalo na sa kanyang mga nagawa sa buhay. Di lamang sa larangan ng boxing at lahat ung mga nagawa niyang tulong at kabutihan para sa ating mga kababayan. At sa buong boxing fans.”

Nang tanungin kung ano ang papel na ginampanan in Ali sa karera ng isang Manny Pacquiao, sambit ng incoming senator na si Ali ang isa sa mga nagbigay inspirasyon kay Pacquiao upang maging isang boksingero. 

“Malaki ang naiambag dahil isa siya sa mga nagbigay ng inspiration sa amin na mga boksingero. At isa siya sa mga inspirations ko nung nagsisimula pa lang ako then hanggang ngayon, kumbaga ung ginawa niya rin na pagtulog sa mga mahihirap na tao, di lang sa amerika kundi sa ibang bansa. Yan ay hindi makakalimutan.”

Dagdag pa ni Pacman na siyang isang malaking kawalan ang 74-taong gulang na si Ali sa larangan ng boxing. 

“Malaking kawalan sa industry ng boxing ang pagkawala ni muhammad ali. Pero ganoon talaga ung buhay natin dito hindi naman mahaba, short lang. Ang importante nasa panginoon tayo.”

Isa sa mga unang na-pickup ng mga news outlet ang pahayag ni Pacquiao sa pagkamatay ni Ali, at mababasa ang kaynang mga nasabi DITO

Hindi lamang si Pacman ang nagbigay-pasalamat at pugay sa yumaong si Ali, kundi pati na din ang ilang mga tanyag na boksingero na tulad nina Mike Tyson, George Foreman, Floyd Mayweather Jr., Roy Jones Jr., at pati na din ang ilang mga sikat na pangalan ngayon tulad nina Saul “Canelo” Alvarez, Amir Khan, at Gennady Golovkin. Basahin ang kanilang mga mensahe DITO

 

 

Panayam kay Manny Pacquiao mula kay Chai Tabunaway ng ABS-CBN RNG, General Santos City. 

Latest News