Pinoy IBF Flyweight Champion Johnriel Casimero, excited nang lumaban sa London

ABS-CBN Sports on Aug 30, 2016 06:24 PM
IBF champion Johnriel Casimero, excited lumaban sa London
(AP Photo/Mark Schiefelbein)

Ilang buwan pa lamang ang nakakalipas nang makmit ni Johnriel "Quadro Alas" Casimero ang IBF World Flyweight championship kontra kay Amnat Ruenroeng ng Thailand, pero ilang araw na lamang at kanya na itong dedepensahan laban kay Charlie Edwards ng Great Britain. 

At kahit na gagawin ito sa home country ni Edwards, excited parin umano si Casimero lumaban dahil sold out ang venue ng laban, ang sikat na O2 Arena. 

Maliban pa sa sold-out crowd, nagsisilbing motivation din para kay Casimero ang posibilidad na makalaban ang tinataguriang number one pound-for-pound boxer ngayon na si Roman "Chocolatito" Gonzales. 

Kamakailan ay inanunsyo na aakyat sa timbang si Gonzales mula flyweight patunong super flyweight at kanyang lalabanan si Carlos Cuadras. 

"Gusto ko labanan si Chocolatito kasi umakyat siya." banggit ni Casimero kay Dyan Castillejo ng ABS-CBN. "Gusto ko talaga si Roman Gonzales, magandang laban sa amin kasi fighter talaga." 

Pero bago ang lahat, kailangan munang mag-focus ni Casimero sa unbeaten na si Edwards, na siya ding gutom para sa kanyang unang world title. 

Dahil diyan, todo ang ensayo ng 26-anyos na si Casimero. Sa katunayan, walong linggo na ang pukpukang pag-eensayo ng ating kampeon, at ito'y ikinabibilib ng kanyang coach na si Jhun Agrabio.

Ayon kay Agrabio, nais in Casimero na ipakita na talagang pang-world class ang kanyang talento sa pagbo-boxing. 

Ito ang unang depensa ni Casimero sa kanyang titulo, at hindi niya hahayaang makuha ito ng kalabang si Edwards. 

"Kailangan, para hindi makuha ng kalaban, first defense ko ito sa IBF Flyweight title ko." 

Magtatapat si Casimero at Edwards sa darating na September 10 sa O2 Arena, Kasama ito sa fight card ng highly-anticipated na laban ni Gennady "GGG" Golovkin at Kell Brook. 

 

 

With a report from Dyan Castillejo

Latest News