Manny Pacquiao: Hindi pa naman ako laos

Santino Honasan on Sep 13, 2016 11:07 AM
Manny Pacquiao: Hindi pa naman ako laos
“Hindi pa ako handa para iwanan ito. Hindi pa naman ako laos at mabilis pa naman." - Manny Pacquiao (AP Photo/John Locher, File)

Nung nakaraang linggo, lumipad patungo ng United States ang natatanging “fighting senator” na si Manny Pacquiao para sa press conference ng kanyang nalalapit na return fight sa November kontra kay WBO Welterweight Champion na si Jessie Vargas. 

Masaya umano si Manny dahil maraming nagpunta na media sa press conference, at kanya ding ibinahagi kung bagi niya pagdesisyunang bumalik sa boxing, kahit na siya’y may puwesto na bilang senador ng Pilipinas. 

“Parang malungkot ako kapag iniwanan ko ang boxing.” banggit ni Pacquiao. “Hindi pa ako handa para iwanan ito. Hindi pa naman ako laos at mabilis pa naman."

“I still feel young, that’s why I decided to continue my career.” Dagdag ni Pacquiao. 

Isa pang ikinatuwa ni Pacquiao ay ang murang-murang pagbenta ng mga upuan sa Thomas and Mack Center sa Las Vegas, kung saan gaganapin ang highly-anticipated na laban. 

Sa halangang $50 dollars, o halos 2,400 pesos lamang, tiyak na mas madaming Pinoy ang makakanood ng laban ni Pacman ng live. 

“I feel happy and excited because I'm giving back to the fans. Yung pabor, binalik natin at nag-benta tayo ng 7000 tickets na tig-$50 lang, para pabor sa mga fans na maka-panood sila ng live. Yun ang maganda.” 

At kung kulang pa para sa mga fans na mapanood si Pacquiao at Vargas, kabilang din sa November card na ito ang isa pang Filipino world champion, ang reigning WBO Super Bantamweight Champion na si Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr, na siyang lalabanan naman ang wala pang talo na si Jessie Magdaleno. 

Ayon kay Top Rank Promotions CEO, magkakaroon din ng hiwalay na press conference para sa laban ni Donaire at Magdaleno. 

 

Maghaharap si Pacquiao at Vargas, at si Donaire at Magdaleno ngayong November 5 sa Thomas and Mack Center, sa Las Vegas, Nevada, USA. 

 

with a report from Dyan Castillejo, ABS-CBN

Latest News