Fil-Am boxer Ana Julaton panalo sa Mexico

ABS-CBN Sports on Mar 29, 2017 12:03 PM
Fil-Am boxer Ana Julaton panalo sa Mexico
Muling nakakamit ng tagumpay sa boxing ang dating world champion na si Ana "The Hurricane" Julaton

Muling nakatikim ng panalo ang Fil-American former world champion boxer na si Ana "The Hurricane" Julaton kontra kay Maria Jose Nuñez ng Paraguay noong nakaraang March 25, sa Unidad Deportiva, Campeche, Mexico. 

Nanalo si Julaton sa pamamagitan ng unanimous decision, matapos niyang birahin ng mabibilis na jab at epektibong counter shots si Nunez, na isa ding dating world title contender, sa kanilang eight-round na laban sa timbang na featherweight. 

Sa edad na 36-anyos, muling sinusubukang bigyang buhay ni Julaton, dating WBO female super bantamweight world champion, ang kanyang karera sa larangan ng boxing, at ayon kay Orion Sports CEO and promoter na si Allan Tremblay, ang pagka-panalo ni Julaton laban kay Nunez ay ang pinaka-maganda niyang performance sa loob ng tatlong taon. 

2015 nang huling maka-tikim ng panalo si Julaton, sa pamamagitan din ng unanimous decision laban ay Yolanda Segura. 

Dagdag pa ni Tremblay na sa kanyang pagka-panalo, muling naipakita ni "The Hurricane" ang kanyang dating galing sa boxing.

Panoorin ang buong laban dito! 

 

Latest News