Pinoy boxer Mercito Gesta, panalo sa Las Vegas

ABS-CBN Sports on Apr 03, 2017 12:22 AM
Pinoy boxer Mercito Gesta, panalo sa Las Vegas
Mercito "No Mercy" Gesta kasama si Freddie Roach (Photo courtesy of Mercito Gesta on Twitter)

Nagwagi muli ang Filipino boxer na si Mercito "No Mercy" Gesta, halos dalawang taon makalipas ang kanyang huling laban noong 2015. 


Nanalo sa pamamagitan ng 99-91, 98-92, at 96-93 na unanimous decision ang tubong-Cebu na si Gesta kontra kay Gilberto Gonzales noong nakaraang April 1 sa Cosmopolitan, Las Vegas. 


Ayon sa BoxingScene.com, nangibabaw ang bilis ng Pinoy na boksingero sa unang dalawang round, ngunit nanganib nang siya'y ma-knockdown sa third round matapos makatikim ng uppercut mula kay Gonzales.


Nakababawi naman ang Pinoy sa mga sumunod na round at matapos ang pitong round, napunta sa pabor Gesta ang desisyon. 


Nag-improve ang kartada ni Gesta sa 30 na panalo, isang talo, at dalawang tabla. 


Ito ang unang laban at panalo ni Gesta matapos siyang lumipat sa Wild Card Gym sa ilalim ni Freddie Roach, ang tanyag na long-time coach ni WBO welterweight champion Manny "Pacman" Pacquiao. 


Ninanais ni Gesta na sa pag-gabay ni Roach ay kanya nang makamit ang world championship na matagal na niyang hinahabol. 


Latest News