Manny Pacquiao pumirma na para labanan si Jeff Horn sa July

Santino Honasan on Apr 05, 2017 01:55 PM
Manny Pacquiao pumirma na para labanan si Jeff Horn sa July
(AP File Photo)

Pumirma na umano si WBO welterweight champion Manny 'Pacman' Pacquiao para depensahan ang kanyang korona kontra kay Jeff Horn ngayong darating na Hulyo sa Brisbane, Australia, ayon sa kanyang promoter na si Bob Arum. 

Kung matatandaan, si Horn ang unang nakatakdang maging kalaban ni Pacquiao nitong Abril, bago nagkaroon ng usap-usapan na mas gusto ng nakararami na si Amir Khan ang kalabanin ng eight-division world champion. 

Sa huli, bagama't nagkaroon na ng agreement ang mga kampo ni Pacquiao at ni Khan, lokasyon at ang financing ang naging hadlang para matuloy ang laban. 

Ngayon, kasado na umano ang laban ni Pacquiao at Horn ayon kay Arum sa isang interview sa LA Times 

“We’re slowly finishing up the deal to fight … people have agreed on essential points,” (Dahan-dahang kinukumpleto na ang kasunduan para sa laban, nagkasundo na ang mga tao sa mga importanteng bagay,) sabi ni Arum. 

Nakatakdang ganapin ang laban ni Pacquiao at Horn sa July 1 sa Suncorp Stadium, na mayroong seating capacity na 55,000. 

Dagdag pa ni Arum na inaasahan niyang mag-sell out ang Suncorp Stadium, at pati ang gobyerno ng Australia ay kasado na din sa laban. 

“Horn is an Aussie. There’s government behind it. They want the fight. They wanted Manny Pacquiao. (Si Horn ay tubong-Australia. Ang gobyerno nila ay tumutulong din, at gusto nilang matuloy yung laban. Gusto nila si Manny Pacquiao ang lumaban.)"

“There’s nobody objecting to the deal. Everybody is moving ahead to get it done, (Walang umaapela sa kasunduan, gumagalaw ang lahat para matuloy ito)” sabi ni Arum.

Latest News