Marlon Tapales tinanggalan ng WBO title matapos lumagpas sa timbang

Santino Honasan on Apr 22, 2017 01:49 PM
Tapales tinanggalan ng WBO title matapos lumagpas sa timbang
Tinanggalan ng championship si Marlon Tapales matapos siyang lumagpas sa timbang sa kaniyang nakatakdang title defense kontra kay Shohei Omori ng Japan. (Photo courtesy of Dyan Castillejo)

Tinanggal ang WBO world bantamweight championship kay Marlon "the Nightmare" Tapales nang hindi niya maibawas ang kinakailangang ibawas na sobrang timbang bago ang kanyang laban kontra kay Shohei Omori sa Osaka Japan ngayong Linggo, April 23. 

Pumalo sa 119.75 lbs. ang timbang ni Tapales sa unang weigh-in, at binigyan siya ng dalawang oras para ito'y maibaba sa 118-pound limit ng WBO bantamweight division. 

Hindi ito umabot ang timbang ni Tapales, ay siya't tinaggalan ng korona. 

Tuloy parin umano ang laban kontra kay Omori, pero ang Hapon na lang maaring mag-uwi ng korona kung siya'y manalo. 

Dati nang nagharap si Tapales at si Omori noong 2015, kung saan sinagasaan ni Tapales ang kalabang Hapon patungo sa isang second round TKO. Nagsilbi itong title eliminator, at sunod na kinalaban ni Tapales ay si Pungluang Sor Singyu para sa WBO world bantamweight championship. Nanalo si Tapales via 11th round knockout noong July 27, 2016. 

Simula naman ng kanyang pagkatalo kay Tapales, naging impressive ang mga sumunod na performance ni Omori, kung saan siya'y nag-tala ng tatlong sunud-sunod na knockout win, at ang huli ay kontra sa isa ding Pinoy na si Rocky Fuentes, noong nakaraang Disyembre sa Japan. 

Muling hahamunin ni Omori si Tapales, pero ngayon ay nakasalalay na ang WBO world bantamweight title. 

Kung maipanalo ni Omori ang titulo, siya ang hahamunin ng mananalo sa paghaharap ni Arthur Villanueva ng Pilipinas at Zolani Tete ng South Africa na gaganapin sa April 22, Sabado sa United Kingdom. 

Latest News