Arthur Villanueva, Zolani Tete pasok ang timbang sa title eliminator

Santino Honasan on Apr 22, 2017 01:31 PM
Villanueva at kalaban pasok ang timbang sa title eliminator
Handa na si Arthur Villanueva para sa kanyang title eliminator bout kontra kay Zolani Tete ng South Africa

Pasok ang timbang ni Pinoy bantamweight contender 'King' Arthur Villanueva at ng kalaban na si Zolani Tete ng South Africa para sa kanilang napipintong title eliminator bout para sa WBO World Bantamweight Championship na kasalukuyang hawak ni Marlon Tapales. 

117.9 lbs. ang bigat ni Villanueva, isang produkto ng ALA Boxing Gym sa Cebu City, samantalang 117.2 lbs. naman ang timbang ni Tete. 

Para kay Villanueva, ang panalo kontra kay Tete ay magbibigay ulit sa kanya ng pagkakataon na lumaban para sa isang world championship. Dati nang sumubok ng tubong-Bago City, Negros para sa isang world title, ang IBF world super flyweight championship, noong 2015 kontra kay McJoe Arroyo ng Puerto Rico. Natalo si Villanueva sa pamamagitan ng technical decision. Simula noon, tatlong sunod-sunod na panalo na ang nakuha ni Villanueva, at kanya ding naipanalo ang WBO Asia Pacific Bantamweight championship.

Dati namang IBF world super flyweight champion si Tete, bago siya umangat sa bantamweight division. Kasalukuyan ay walo ang sunod-sunod na panalo ni Tete, at siya ang reigning IBF International bantweight champion. 

Magtutuos sa Leicester Arena sa Leicestershire, United Kingdom si Villanueva at Tete ngayong Sabado, April 22. 

Latest News