Marlon Tapales muling pinataob si Shohei Omori

Santino Honasan on Apr 24, 2017 01:34 PM
Marlon Tapales muling pinataob si Shohei Omori
(Photo courtesy of Dyan Castillejo)

Bagamat tinaggalan ng kanyang WBO world bantamweight championship, nagwagi parin si Filipino boxer Marlon "The Nightmare" Tapales kontra kay Shohei Omori sa Osaka Japan, linggo ng gabi. 

Nanalo si Tapales sa pamamagitan ng eleventh round KO para ma-improve ang kanyang professional record sa 30 na panalo at dalawang talo. 

2-0 naman si Tapales kontra kay Omori, na dati na niyang nakalaban at tinalo sa pamamagitan din ng knockout noong 2015. 

Kahit na panalo si Tapales, hindi niya mauuwi ang WBO bantamweight championship dahil sa kanyang hindi pag-abot sa tamang timbang bago ang laban. 

Dahil din naman natalo si Omori, naiangat to world championship status ang interim WBO bantamweight championship na napanalunan ni Zolani Tete ng South Africa matapos niyang talunin via unanimous decision si Arthur Villanueva ng Pilipinas. 

Latest News