Nietes at Nantapech, pasok ang timbang para sa Pinoy Pride 40

Santino Honasan on Apr 28, 2017 01:41 PM
Nietes, Nantapech pasok ang timbang para sa Pinoy Pride 40
Pasok sina Donnie Nietes at Komgrich Nantapech sa timbang para sa kanilang IBF flyweight title fight sa Pinoy Pride 40

Sakto ang timbang nina Donnie 'Ahas' Nietes ng Pilipinas at Komgrich Nantapech ng Thailand para sa kanilang napipintong laban para sa bakanteng IBF world flyweight championship sa Pinoy Pride 40 ngayong Sabado, April 29. 

112-pounds, sagad sa flyweight limit, ang naging bigat ng parehong si Nietes at Nantapech, kaya't kasado na ang lahat para sa kanilang 12 round title fight sa Sabado. 

Pasok din naman sa timbang ang co-main eventers na sina Mark "Magnifico" Magsayo at Issa "Peche Boy" Nampepeche ng Tanzania para sa kanilang 10-round featherweight na laban. 
126.2-pounds ang bigat ni Magsayo, samantalang 124.6-pounds naman ang timbang ng kalaban na si Nampepeche.

Hindi din nagkalayo ang timbang ni Jeo "Santino" Santisima at ng kalaban na si Master Suro ng Indonesia para sa kanilang 10-round super bantamweight na laban. 

Pumalo sa 122.8-pounds si Santisima, habang 122.4 pounds naman si Suro. 

 

Kumpletong Pinoy Pride 40 weigh-in results
- Donnie Nietes (112 lbs.) vs. Komgrich Nantapech (112 lbs.)
- Mark Magsayo (126.2 lbs.) vs. Issa Nampepeche (124.6 lbs.)
- Jeo Santisima (122.8 lbs) vs. Master Suro 122.4 lbs.)
- Virgel Vitor (121.8 lbs.) vs. Michael Escobia (122.2 lbs.)
- Junrel Jimenez (112.8 lbs.) vs. Romulo Ramayan (111.2 lbs.)
- Kenneth Gentallan (112.4 lbs.) vs. John Kenan Villaflor (113.8 lbs.)
- Esneth Domingo (111.4 lbs.) vs. Ramil Antaran (111.2 lbs.)
- Christian Bacolod (108.4 lbs.) vs. Mike Kinaadman (103.4 lbs.)

 


Maghaharap si Donnie Nietes at si Komgrich Nantapech para sa bakanteng IBF World Flyweight Championship sa Pinoy Pride 40: Domination ngayong Sabado, April 29 sa Waterfront Hotel and Casino sa Cebu City. 


Mapapanood ang telecast sa Linggo, April 30, 3:30 PM ABS-CBN channel 2 at 8:00 PM sa S+A channel 23! 
 

Latest News