Azkals bumagsak ng tatlong pwesto, women's team umangat sa FIFA rankings

ABS-CBN Sports on Apr 07, 2017 02:46 PM
Azkals bumagsak ng tatlong pwesto sa FIFA rankings
Bumagsak sa 127th place ang Azkals sa FIFA World Rankings.

Bagama't nakauha ng draw laban sa Malaysia at panalo laban sa Nepal, hindi naiwasang bumagsak ng Philippine Azkals sa 127th sa mundo sa pinaka-huling inilabas na FIFA World Rankings. 

Mula sa pwestong 124th nung Marso, sumadsad ng tatlong pwesto pababa ang men's national team.

Gayunpaman, nananatili pa ding nasa tuktok ng Southeast Asian football ang Pilipinas base sa rankings. Pumapangalawa lamang ang AFF Suzuki Cup champions na Thailand sa 129th place, sunod naman ang Vietnam sa 136th, Malaysia sa 157th, at Singapor sa 159th. 

Sa buong mundo naman, nanumbalik sa taas ng listahan ang Brazil matapos ang halos pitong taon. Naunahan ng Rio 2016 Olympic champions ang Argentina, na na sa 2nd place, at Germany na nasa third place. 

Sa women's rankings naman, umangat ng isang pwesto ang Philippine Women's National Football Team mula 69th patungong 68th. 

Maganda ang ipinapakita ng mga Pilipina sa kasalukuyang ginaganap na Women's AFC Asian Cup Qualifiers, kung saan sila'y nakapag-tala na ng dalawang magkasunod na 4-0 na panalo. 

Latest News