Pinay footballers, tinambakan ang UAE

ABS-CBN Sports on Apr 04, 2017 02:08 PM
Pinay footballers, tinambakan ang UAE
Philippine women's football team. (Photo from Mia Montayre of the PWNT)

Maganda ang naging simula ng Philippine women's national football team sa kanilang kampanya sa Women's AFC Asian Cup Qualifiers matapos nilang tambakan ang United Arab Emirates sa score na 4-0, noong Lunes sa Pamir Stadium sa Dushanbe, Tajikistan. 

Inangkin ni Eva Madarang ang first half para sa Pilipinas, matapos siyang umiskor ng dalawang goal sa ika-14th at ika-45th na minuto ng laro para sa komportableng 2-0 lead sa halftime. 

Lalo namang nilakihan ng Pilipinas ang kanilang lamang sa second half, nang umiskor si Irish Navaja sa 49th minute, na sinundan naman agad ng kanyang kakampi sa De La Salle University na si Sara Castañeda sa 53rd minute para isara ang pintuan sa UAE. 

Kasalukuyang nasa ikalawang-pwesto ang Pilipinas, na mayroon nang three points mula sa kanilang unang panalo, sa Group A ng AFC Asian Cup Qualifiers. Nangunguna ang Jordan na mayroon ding three points mula sa isang panalo, ngunit nasa +6 sila sa goal difference. 

Muling sasabak sa pitch ang ating Filipina booters sa Miyerkules, April 5, kontra naman sa Iraq. 

Either first seed o second seed ang hinahabol ng Pilipinas upang makapasok sa 2018 AFC Women's Asian Cup, na magsisimula sa Abril ng susunod na taon. 

Latest News