Pangalawang triple-double ni Jalalon, dinaig ang panglima ni Thompson

Norman Lee Benjamin Riego on Sep 04, 2015 07:39 PM
Jalalon, dinaig si Thompson sa OT
AKIN 'TO. Dinaig ni Jiovani Jalalon si Scottie Thompson habang nagtabla na sa standings ang Arellano at Perpetual.

Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng liga, dalawang manlalaro mula sa magkalabang koponan ang nagtala ng triple-double sa pagpapatuloy ng Season 91 NCAA Men’s Basketball Tournament.

Nakamit ni Scottie Thompson ang kanyang panlimang triple-double para sa University of Perpetual Help Altas, ngunit ang pangalawang triple-double ni Jiovani Jalalon ang nagpapanalo sa Arellano University Chiefs sa overtime, 84-77, Biyernes sa San Juan Arena.

Bumirada ng siyam na puntos at dalawang assist si Jalalon upang pangunahan ang 11-2 pagbulusok na nagbigay ng 79-70 kalamangan sa Chiefs sa loob ng huling dalawang minuto ng overtime. 

Mula rito, nakagawa si Thompson ng limang puntos, ngunit naipasok din ni Jalalon ang apat na free throw upang siguruhin ang panalo na nakapagtabla sa Arellano at Perpetual na parehong may kartadang 8-4.

Nagtapos si Jalalon na merong 32 puntos, 15 assists, at 10 rebounds habang kumulekta naman si Thompson ng 24 puntos, 11 assists, at 12 rebounds

Sabi ni Chiefs coach Jerry Codinera tungkol sa kanyang gwardyang tila kuhang-kuha na ang galawan ng reigning MVP, “Tinitignan tapos kinukuha lang niya kung anong binibigay sa kanya.”

BOX SCORES

ARELLANO 84 – Jalalon 32, Nicholls 14, Holts 8, Enriquez 8, Meca 7, Bangga 6, Salado 4, Cadavis 3, Gumaru 1, Ortega 1, Capara 0, Tano 0

PERPETUAL 77 – Thompson 24, Eze 19, Coronel 16, Gallardo 6, Dagangon 4, Ylagan 3, Oliveria 2, Cabiltes 2, Dizon 1, Tamayo 0, Bantayan 0, Sadiwa 0, Elopre 0

BOX SCORES: 21-16, 39-40, 57-53, 68-68, 84-77 (OT)

---

Follow this writer on Twitter, @riegogogo.

Latest News