KAGULO SA NCAA 2.0

Mikee Reyes on Sep 28, 2015 03:59 PM
KAGULO SA NCAA 2.0
Isa sa mga nangunguna sa NCAA ngayon ay sina Art Dela Cruz at ang five-time defending champions San Beda Red Lions!

Idol! Balita? Alala mo ba ko? Si Mikee to! Last week lang tayo magkausap! Diba nagkwentuhan tayo tungkol dun sa kagulo na nangyayari ngayon sa NCAA? Oo yun, ako yun! Alala mo na? Oh, basta, nanuod ka ba?! Diba sabi ko sayo wag na wag mo papalampasin yung mga laro nung Friday?

Sabi ko nga sayo magkita kita tayo sa Arena eh! Andun ka ba?! Di ka na nagtext eh, kunan sana kita ticket! Pero sige, dibale na. Brad naman kasi, talagang nagkagulo yung buong liga nung araw na yun! Iba! Tagal ko na di nakikita yung ganung tipong crowd at energy sa NC!

Pagdating ko palang ng Arena nung Friday, ang dami ng tao! Nakapula lahat! Eh kasi naman, Beda-Mapua unang game so parehas pula. Pero brad, seryoso, 10:30 ako dumating dun! Ako kasi nagcover nung first game kaya ang aga ko dun. Pero isipin mo, ganun kaaga, puno na parking! Eh 12nn pa laro!

So ayun, Beda-Mapua! Tinakbuhan ng Beda eh! Kaya napagod si Oraeme. Eh 40 minutes na nilaro nun last game nila, 38 nanaman nung Friday. Grabe diba? Hindi ka pa ba mapapagod nun? Pero malapit nanaman sa trenta nirebound. Mama talaga sa ilalim eh! Kahit si Ola kinukuhanan lang ng bola.

Yun nga lang, napagod talaga eh. Dikitan sana, bumulilits attack din kasi yung Mapua! Tinambakan na sila eh. Halos mag bente na, pero inunti unti nung mga bulilit. Si Nieles tsaka Menina lalo. Si Menina, akala mo sinapian eh!

Eh alam mo naman San Beda, di magpapatalo basta basta. Inuulit ulit ko nga sa coverage, pamatay sunog! Kada gagawa ng maganda tong mga Cardinals, babawi agad sila. Kumbaga pa-momentum palang Mapua, tinatapos na agad ng Beda. Kaya nga naman sila defending champions eh!

Pagkatas nun, JRU-Perps naman. Walangya talaga yung Pontejos. Nagwala nanaman! Tambak nadin sila eh! Pero ginapang nila, at tinapos! Akala mo nanunuod ka ng highlight mix ni Pontejos nung third quarter eh! Labas, loob eh! Kaya ayun, naisahan nina Coach Vergel yung Perps. Eh diba do-or-die na JRU, sabi ko sayo? Ngayon, buhay na buhay pa sila sa labanan papasok semis.

Yung Letran kontra Arellano naman, classic! Grabe. Palitan ng mukha! Di ko alam sino nga lugi eh... Pero seryoso, matindi talaga. Bakbakan sina Jiovani-Salado tsaka Mark Cruz-Nambatac eh! Talagang bawian! Tas ganda pa nilaro ni Holts tsaka Racal. Grabe yun, grabe.

Pero sa huli, Letran nanaman. Nakakadalawa na yang Letran na yan sa Arellano ah! Alam mo naman, malaki lang kasi talaga kulang sa Letran. Kaya pag nakatapat sila ng mga team na wala ding malaki, talagang sasabayan nila.

Matindi yung araw na yun. Kagulo talaga, kagulo! Nagulat nga ako madaming gumamit ng #KaguloSaNCAA eh! Kinilig naman ako!

Eh ngayon, pano na? Lalong gumulo yung standings eh. Yung Beda tsaka Letran tied nanaman! Sumunod Perps pero isa laro lang naman lamang nila dun sa tatlo sa ilalim. Yung tatlo naman, tied din! Tingnan mo:

SBC                        12-4

CSJL                       12-4

UPHSD                  11-4

MIT                        10-6

AU                          10-6

JRU                        10-6

 

Kita mo na! Magulo na last week, masgumulo pa ngayon! So ano? Dating gawi? Tingnan natin kada team?

 

San Beda Red Lions: 12-4

Remaining games: AU, CSJL

Itong San Beda na to kasi, kung pinanalo lang nila yung Baste nila last week, sana sure final 4 na sila! Sigurado hanggang ngayon, nararamdaman padin nila yung silat na yun!

Pero sige, tapos na yun. Natalo naman nila yung Mapua nung Friday. Kaso di ko pwede sabihing nabawi na nila yung talo nila sa Baste eh, iba padin yun! Pero sige na, sige na.

Ngayon, matindi pa dadaanan ng Beda. Arellano tsaka Letran. Eh parehas tinalo sila nito nung first round. So sigurado ako, mainit dugo nina Ola at Art sa dalawang team na to!

Since nasabi nga natin na sanay ang San Beda sa twice-to-beat advantage, kailangan nila talunin parehas Arellano tsaka Letran! Parang ang hirap diba? Pero kaya naman, lalo na ngayon parang nagppeak bigla yung Beda. Naisahan lang talaga sila ng Baste eh, pero magandang wake-up call din yun para sakanila habang maaga.

Kung isa lang naman ang tatalunin nila, pasok padin sa final 4! Pero hindi sigurado sa twice-to-beat. Dedepende pa sa mga mangyayari sa ibang team. Ayaw na nila yun, sigurado! Eh kung pwedeng sure twice-to-beat advantage na, bakit hindi diba?

Eh pare, actually, kung matalo sila sa parehas na game, may tsansa pa sila matanggal. Isipin mo yun! Beda? Wala sa final 4?! Parang di naman ata bagay, diba? Pero ganun eh. Ganun talaga katraffic ngayon sa NC!

Matindi dadaanan ng Beda, pero kaya nila yan. Di nga lang sila sanay sa ganitong sitwasyon papasok ng semis, pero Beda will always be Beda!

Pero ang sigurado talaga ako, pormadong pormado padin buhok ni Ice Reyes kahit ano mangyari. Ano ba gamit na wax nun? Di talaga gumagalaw eh!

 

Letran Knights: 12-4

Remaining games: UPHSD, SBC

Grabe yung panalo ng Letran sa Arellano! Diba pinaguusapan natin last week, pinakamahirap ang schedule ng Letran? Pero dahil tinalo nila Arellano, isang panalo nalang kailangan nila para pumasok!

Yun lang, matindi padin dadaanan talaga, Perps tsaka San Beda. Baka akala nina Ant Man pwede na sila magpahinga, matagal tagal papala!

Actually, parehas sila ng sitwasyon ng Beda. Manalo dalawa, twice-to-beat advantage. Manalo isa, sure final 4 pero malaman pa kung twice-to-beat. Matalo dalawa, pwedeng tanggal. Traffic, brad. Traffic, Kahit si Waze nahihirapan san papadaananin tong mga teams natin.

Oo, parang mahihirapan tong mga langgam ng Letran, pero ilang beses na ba tayo minamali ng mga to? Simula nga ng season, sabi natin mahina sila, ano na ngayon? Mabuti pa, tahimik nalang tayo, panuorin nalang natin sila.

Pero ang sigurado padin talaga ako, naka-fit na polo shirt nanaman si Coach Aldin next game. Yung pumuputok braso? Batak eh.

 

University of Perpetual Help System Dalta Altas: 11-5

Remaining Games: SSCR, CSJL

Kinapos sina Scottie tsaka Bright nung Friday, sayang. Lamang na eh, naunahan pa. Pero I’m sure babawi pa tong Perps, alam naman natin madaming naniniwala na sila makakapigil sa Beda para maka 6-peat. Tumpak, sila din pinaniniwalaan to.

Stuck sa gitna tong Perps sa standings eh. One game behind lang sila sa Letran at Beda pero one game ahead lang din sila sa Mapua, Arellano tsaka JRU. Kumbaga, may chance sila maka-twice-to-beat pero may chance din sila matanggal pa. Grabe, noh?

Sigurado alam nina Coach Aric to at aware sina Scottie na dikdikan na tong last 2 games nila. Konting mali, malaking bagay na.

Kalaban nila Baste bukas, so malaking bagay yun. Lalo na alam nilang tinalo nina Ortuoste tsaka Guinto yung Beda. Mahirap na magrelax, baka pati sila mabiktima ng Stags.

After nun, mapapalaban sila sa Letran. Magandang bakbakan nanaman yun! At importanteng importante para sa parehas na team.

Mapanalo nila parehas, malaki tsansa nila sa top two spots. Mapanalo nila isa, baka may maka-tie pa sila galing sa ilalim so baka mapa playoff pa sila para makapasok semis. Matalo sila dalawa, eh baka matanggal sila.

Papayag ba si Mr. Trip Dub tsaka si Mr. Brightside na di nila mabigyan ng challenge tong Beda sa semis o sa finals? Malabo yan, baka batukan sila ni Coach Aric.

 

Mapua Cardinals: 10-6

Remaining Games: EAC, CSB

Sayang naputol yung winning streak ng Mapua. Di lang talaga nila kinaya yung Beda sa dulo, pero palaban padin talaga eh. Hanggang ngayon nagugulat ako sa team na to.

Oo, may Oraeme na bibigyan kang at least benteng rebound kada game, sigurado. Pero yung iba? Grabe, tulungan talaga eh. Bilib ako dun sa bulilits talaga. Magkakasama pa sila sa loob eh, ang ccute pero kung tumira sa labas, ika nga ni Andrei Felix, ILISTA MO NA!

Dito tayo nagkakasikipan. Tatlong team tied ngayon para sa 4th place. Pero siyempre, isang laro lang naman lamang sakanila ng Perpetual, pero kahit na, halos do-or-die na mga natitirang games nila.

Kagaya nung sabi ko last week, Mapua yung mej maginhawa schedule. Kailangan nila manalo ng dalawa para sure playoff sila for fourth spot. At least na yun! So kung swertehin sila at matalo yung ibang teams tas sila panalo ng dalawa, baka sure semis na sila! Basta importante mapanalo nila dalawa tas magdasal nalang sila.

Tadhana na bahala ano mangyayari. Basta control what you can control, ika nga.

 

Arellano University Chiefs: 10-6

Remaining Games: SBC, EAC

Sayang yung laro ng Arellano sa Letran, dikitan eh. Hanggang sa last minute, di ka padin sigurado sino mananalo. Nadali sila ni Ant Man tsaka ni Sting Rey eh. Mga superhero ba naman. Eh normal na tao lang yung Bus Driver tsaka Conductor!

Pero seryoso, I’m sure kinalimutan na nina Jiovani tong game na to. Tapos na yun eh, di mo na mababalik. Ang importante, makapagfocus agad sila sa mga susunod na game nila. May tsansa pa, malaki pa, bakit ka magsasayang ng oras kakaisip sa tapos na, diba?

Kagaya ng Mapua, halos do-or-die na lahat ng game nina Coach Jerry. Pero hindi kagaya ng Mapua, may San Beda silang makakatapat. Halos malalaman mo na ano mangyayari sa Arellano sa Thursday. Kasi kung matalo sila dun, mej malabo na sila. At kung manalo naman sila dun, iwas silat nalang sila sa EAC, ayos na! Maganda nanaman tsansa nila.

Sayang naman yung napakagandang season ni Jiovani kung di bumoundary yung bus niya diba? Hahanap pa ng paraan yan! Alam mo naman mga bus, maparaan, lalo na sa EDSA. Sila nga nagpapatraffic eh!

 

Jose Rizal University Heavy Bombers: 10-6

Remaining Games: LPU, SSCR

Hay, JRU. Haaaay, JRU. Alam niyo? Kung di kayo makulit, sana di ganun kagulo tong labanan papasok ng final 4 eh. Apat na laro na ata kayong do-or-die, nalulusot niyo pa! Kumbaga sila yung Clutch City ng NCAA eh. Talagang ayaw bumitaw eh.

Speaking of bitaw, eh ang bitaw lang na nakikita ko sa JRU yung mga binibitawan ni Pontejos sa labas eh! Partida, nakikipagkulitan pa yan sa courtside reporter naming si Ceej bago maglaro! Pero walang issue yan, brad ah. Alam mo naman tong si Pontejos, lover boy. Wag nalang na natin pagusapan sino minamahal niya.. Baka magalit sakin si Paolo. Joke lang, Pao!

Grabe din tong, JRU. Gumagaling pag tanggalan na eh. Kumbaga pag alam nilang wala silang choice kundi manalo, mananalo talaga sila. Partida minamalas pa si Teytey ngayong second round, pano pa pag pumutok na uli to. Alam naman natin kakayahan nito, di ako magugulat kung kumamada na to sa next two games nila para tulungan sina Pontejos tsaka Dela Paz.

Do-or-die padin naman mga susunod na laro nila, pero buti nalang di ganun kahirap na schedule nila. Wag lang sila masilat, ayos na.  Dedepende na sa ibang team ano mangyayari, basta at least playoff sila para sa final 4.

Pare parehas talaga Mapua, Arellano tsaka JRU, sa schedule lang talaga nagkakaiba. Pero malay natin, maraming nakakagulat na pangyayari na ang nasubaybayan natin dito sa Season 91.

Oh ayan na! Matindi diba? Sinubukan ko na pa-simple-hin yung kagulo. Mahirap talaga eh. Sabi nga ng statistician naming si Pong Ducanes, may 512 possibilities na pwedeng mangyari sa mga susunod na linggo. Ganun katindi! 512, brad! Alanganamang maglabas ako ng 512 na article? Kayo nalang.

Makikita natin this week. Meron nalang tayong apat na playing dates bago natin malaman kung ano na mangyayari. Di ako magugulat kung may mga playoff games tayo para sa placing sa final 4, malaking tsansa yun! Pero alam mo naman yung EAC, CSB, SSC-R at LPU, may balak pa manggulo ng mga yan. Kumbaga susubukan maging KJ ng mga to sa mga ilang teams, kaya talaga namang sumubaybay kayo!

Bukas, Thursday tsaka Friday ang labanan, okay? Andun lang kami sa Arena, pakita kayo! Papicture pa kayo kay Myrtle o kay Boom kung gusto niyo. Or mahawakan niyo man lang yung Hammer ni Martin Antonio! O pwede din magusap kayo ni Migs Bustos, yung “the man with the high basketball iq”. Pwede din kayong magkwentuhang Barangay ni Coach Olsen! Kwentuhang UP naman kayo ni Coach Allan. Basta madaming pwedeng magawa dun! Lalo na magaganda laro. Basta si Anton Roxas asa production room yun, nagbubuhat. Nagpapalaki ng triceps.

Oh ano? Text mo kasi ako! Bigyan kita ticket, pramis! Takits!

Latest News