KAGULO SA NCAA: Anong ganap sa last day of eliminations?

Norman Lee Benjamin Riego on Oct 08, 2015 07:05 PM
KAGULO SA NCAA: Anong ganap sa last day of eliminations?
SAYA DIBA? Walang ibang sigurado sa NCAA kundi nasa Final Four na ang San Beda at merong twice-to-beat. Ni hindi nga rin sigurado kung top-seed sila o two-seed. Ganun kasaya sa NCAA!

Three weeks ago, alam na nating pagkagulo-gulo ng sitwasyon sa NCAA dahil anim pa ang buhay para sa Final Four.

September 25, 2015, tinawag na Judgment Day, Kagulo sa NCAA Friday, at kung ano-ano pa, naglaban-laban lahat ng anim na yun kaya naman mula alas diyes hanggang alas siyete, punong-puno at gulong-gulo ang San Juan Arena.

Pero hindi pa rin tapos. Ngayong parating na ang last gameday ng elimination round, isa pa lang ang sigurado: pasok ang San Beda College sa Final Four at meron na silang hawak na twice-to-beat.

Colegio de San Juan de Letran? Arellano University? Meron lang silang assurance para sa isang eliminator para sa playoff slot.

Jose Rizal University? Mapua Institute of Technology? University of Perpetual Help? Wala pa silang kahit anong kasiguruhan.

Lahat-lahat, malalaman natin ngayong Biyernes, October 19. Sabi nga ng mga paborito nating home shopping channel, BUT WAIT, THERE’S MORE!

So, ano nga bang ganap sa araw na yun? Magkasunod sa umpisa, Mapua laban sa Emilio Aguinaldo College at JRU kontra San Sebastian College-Recoletos. Habol ng Cardinals at Heavy Bombers ang assurance para sa isang eliminator para sa playoff slot.

At ang panghuli nating laro sa elimination round, Knights-Altas. Kapag nanalo ang Knights, pasok sila sa top two habang kapag nanalo ang Altas, makukuha nila yung assurance para sa isang eliminator para sa playoff slot.

Maraming pwedeng mangyari pagkatapos ng Biyernes kaya naman tignan natin lahat:

Stags defeat Bombers/Cardinals defeat Generals/Knights defeat Altas

Ito na ang isa sa pinakasimpleng pwedeng mangyari. Maglalaban para sa top-seed ang Letran at San Beda, matalo roon ay two-seed. Maglalaban naman para sa three-seed ang Arellano at Mapua, matalo roon ay four-seed. Matatanggal ang Perpetual at JRU. Saka lang magsisimula ang Final Four.

Bombers defeat Stags/Generals defeat Cardinals/Knights defeat Altas

Ito na ang isa sa pinakasimpleng pwedeng mangyari. Maglalaban para sa top-seed ang Letran at San Beda, matalo roon ay two-seed. Maglalaban naman para sa three-seed ang Arellano at JRU, matalo roon ay four-seed. Matatanggal ang Perpetual at Mapua. Saka lang magsisimula ang Final Four.

Stags defeat Bombers/Generals defeat Cardinals/Knights defeat Altas

Maglalaban para sa top-seed ang Letran at San Beda, matalo roon ay two-seed. Makukuha ng Arellano ang three-seed. Dahil tabla-tabla, maglalaban ang Perpetual, Mapua, at JRU sa stepladder playoffs para sa four-seed. Saka lang magsisimula ang Final Four.

Bombers defeat Stags/Cardinals defeat Generals/Knights defeat Altas

Maglalaban para sa top-seed ang Letran at San Beda, matalo roon ay two-seed. Matatanggal ang Perpetual. Dahil tabla-tabla, maglalaban ang Arellano, Mapua, at JRU para sa stepladder playoffs. Ang unang matatalo roon ay matatanggal na, at paglalabanan ng dalawang natira ang three- at four-seeds. Saka lang magsisimula ang Final Four.

Stags defeat Bombers/Generals defeat Cardinals/Altas defeat Knights

Top-seed na ang San Beda, may matagal pang pahinga. Matatanggal ang JRU at Mapua. Dahil tabla-tabla, maglalaban ang Letran, Perpetual, at Arellano sa stepladder playoffs para sa rankings 2-4. Ang unang matatalo roon ay four-seed, at paglalabanan ng dalawang natira ang two- at three-seeds. Saka lang magsisimula ang Final Four.

Stags defeat Bombers/Cardinals defeat Generals/Altas defeat Knights

Top-seed na ang San Beda, may matagal pang pahinga. Matatanggal ang JRU. Dahil tabla-tabla, maglalaban ang Letran, Perpetual, Arellano, at Mapua sa stepladder playoffs para sa rankings 2-4 kung saan magkakaroon ng tatlong laban. Sa unang laban, ang matatalo ay matatanggal at ang mananalo ay aabante sa susunod na laban. Sa pangalawang laban, ang matatalo ay four-seed at ang mananalo ay aabante sa susunod pang laban. Sa pangatlong laban, ang matatalo ay three-seed at ang mananalo ay two-seed. Saka lang magsisimula ang Final Four.

Bombers defeat Stags/Generals defeat Cardinals/Altas defeat Knights

Top-seed na ang San Beda, may matagal pang pahinga. Matatanggal ang Mapua. Dahil tabla-tabla, maglalaban ang Letran, Perpetual, Arellano, at JRU sa stepladder playoffs para sa rankings 2-4 kung saan magkakaroon ng tatlong laban. Sa unang laban, ang matatalo ay matatanggal at ang mananalo ay aabante sa susunod na laban. Sa pangalawang laban, ang matatalo ay four-seed at ang mananalo ay aabante sa susunod pang laban. Sa pangatlong laban, ang matatalo ay three-seed at ang mananalo ay two-seed. Saka lang magsisimula ang Final Four.

Bombers defeat Stags/Cardinals defeat Generals/Altas defeat Knights

Ito na ang pinakamagulong pwedeng mangyari. Top-seed na ang San Beda, may matagal pang pahinga. Walang matatanggal sa limang natira at dahil tabla-tabla, maglalaban silang lahat sa stepladder playoffs para sa rankings 2-4 kung saan magkakaroon ng apat na laban. Sa unang laban, ang matatalo ay matatanggal at ang mananalo ay aabante sa susunod na laban. Sa pangalawang laban, ang matatalo ay matatanggal at ang mananalo ay aabante sa susunod pang laban. Sa pangatlong laban, ang matatalo ay four-seed at ang mananalo ay aabante sa isa pa ring laban. Sa pang-apat na laban, ang matatalo ay three-seed at ang mananalo ay two-seed. Saka lang magsisimula ang Final Four.

Sa lahat ng stepladder playoff, quotient – ibig sabihin ang sumatotal ng parehong pagkapanalo at pagkatalo ng lahat ng team sa isa’t isa – ang magde-determine ng rankings.

Kunwari, ang koponang Andrei, grupong Anton, team Mikee, at tropang Boom ang maglalaban-laban sa stepladder playoff. Babalikan ng ating mga statistician ang mga naging laban nila sa isa’t-isa at iko-compute kung gano kalaki ang pagkapanalo o pagkapanalo nila at saka pagsasama-samahin yun.

Halimbawa ang team Mikee ang pinakamalaking quotient, maghihintay nalang sila sa may dulo. Halimbawa ulit na grupong Anton at tropang Boom ang pinakamaliit na quotient, sila ang maglalaban sa unang playoff. Halimbawa na ang grupong Anton ang nanalo, tanggal na ang tropang Boom at maglalaban naman ang grupong Anton at koponang Andrei. Matalo roon ay four-seed na at ang manalo ay kakalabanin ang team Mikee. Matalo roon ay three-seed na at ang manalo ay two-seed at may twice-to-beat.

Saya diba? Kaya naman tutok ka lang bukas simula 12:00 PM LIVE sa ABS-CBN Sports+Action Channel 23 pati sa sports.abs-cbn.com

Latest News