Kagulo pa ba sa NCAA?

Norman Lee Benjamin Riego on Oct 10, 2015 12:04 PM
Kagulo pa ba sa NCAA?
AND STILL, KAGULO. Kala niyo tapos na? Hindi pa! Kagulo pa rin tayo sa Martes!

Tapos na ang elimination round sa 91st Season ng NCAA Men’s Basketball Tournament, pero… hindi pa rin magsisimula ang Final Four?

Tama ka dyan, kapamilya. Kung akala mo’y tapos na ang kaguluhan sa pinakaunang collegiate league ng bansa, aba’y hindi pa dahil pagkatapos ng elimination round, tatlo lang ang masisiguro natin.

Una, pasok na sa Final Four at parehong may twice-to-beat ang Colegio de San Juan de Letran at San Beda College. Pangalawa, tapos na ang kampanya ng University of Perpetual Help. At pangatlo, dahil sa quotient, pasok na rin sa Final Four ang Jose Rizal University.

Sa walong scenario na pwedeng mangyari bago mag-Biyernes, ito ang lumabas na ganap:

Ibig sabihin, kelangan pa nating malaman kung sino sa Knights at Red Lions ang top-seed at two-seed habang ang isa sa dalawang natitirang seed ay mapupunta na sa JRU. Paglalabanan pa ng Mapua Institute of Technology at Arellano University ang pinakahuling seed.

Sa labanang Mapua-Arellano, matalo ay matatanggal at ang manalo ay kakalabanin pa ang JRU. Doon naman, ang manalo ay three-seed habang ang matalo ay four-seed. Dyan pa lang magsisimula ang Final Four,

Dahil tabla-tabla sa 12-6, kinailangan muna nating i-rank ang tatlong team na yan at base sa kanilang quotient (ang sumatotal ng lahat ng pagkapanalo o pagkatalo nila sa isa’t-isa), ang Heavy Bombers ang nanguna (+20), sumunod ang Cardinals (-1), at nasa huli ang Chiefs (-20).

Ibig sabihin, mula sa pang-anim na pwesto, milagrosong ang mga bataan pa ni Vergel Meneses ang nakasungkit ng isang pwesto sa playoffs matapos manalo ng anim na sunod-sunod.

Ibig sabihin ding ano pa mang mangyari, ito na ang pinakamalayong narating ng parehong Mapua head coach Atoy Co at team captain Josan Nimes.

Isa pang ibig sabihin? Mula sa runner-up finish nung nakaraang taon, may tsansang hindi maipasok ni “Bus Driver” Jiovani Jalalon ang Arellano sa Final Four.

Muli, ganyan talaga kasaya sa NCAA. Kaya naman tutok ka lang sa Martes simula 2:00 PM LIVE sa ABS-CBN Sports+Action Channel 23 pati sa sports.abs-cbn.com.

Latest News