Kagulo sa NCAA: Playoff Preview

Mikee Reyes on Oct 12, 2015 06:51 PM
Kagulo sa NCAA: Playoff Preview
Maghaharap muli ang Letran at San Beda, para sa pangatlong pagkakataon ngayong Season 91.

Brad, balita? Long time ah? Sensya na, medyo busy eh. Di na kita na-update sa NCAA! Ang gulo din kasi last week, pati ako nalito na! Sorry sorry! Pero, sige. Eto na ko uli, wag ka magalala! Ayusin natin tong kaguluhang to!

Kahit busy naman, nanuod padin ako last week, sana ikaw din! Grabe noh? Nagsimula tong season na to, akala ng lahat Perpetual talaga makakapaghinto sa 6-peat ng San Beda! Ngayon, sila pa unang nagbakasyon.

Wild eh, wala sigurong nagexpect nun. Nakakaawa din yung iyak ni Scottie nung natapos yung game nila. Kahit ako, gusto ko iconsole eh. “Brad, okay lang yan, focus ka na sa Barangay!”, parang hindi ka nadin maaawa eh! Barangay na yung reigning MVP natin! Galing sa buong NCAA: Goodluck, Scottie! NSD!

Pero kahit nakakagulat yung pagtanggal ng Perps, ganun talaga eh. May kailangan talaga matanggal. Sabi ko nga kung pwede lang na Final 6 tayo, kahit this year lang, gawin na natin eh! Pero ayaw pumayag ni Commissioner Bai Cristobal eh. Pero at least para sating mga manunuod, may isang team na natanggal, malapit na tayo sa final 4!

So ngayon na tanggal na ang Perpetual, lima nalang natitira! Oo, lima padin. Tapos na eliminations pero lima padin sila! Kaya nga may playoff games muna tayo this week tas next week pa officially magsisimula ang final 4! Di pa talaga tapos ang kagulo dito sa NCAA. Nabawasan lang, pero di pa tapos! Ito oh, check mo standings:

SBC                        13-5

CSJL                       13-5

JRU                        12-6

MIT                        12-6

AU                          12-6

 

Dikitan padin diba? Kaya nga di pa tayo pwede mag final 4. Playoff muna tayo! Puro tie padin sila eh!

So una sa to-do list ng NCAA, may kailangan pang malaglag. Final 4 lang, lima pa yan. So dahil tied itong JRU, Mapua at Arellano, pumunta tayo sa quotient system. Magulo yang quotient system na yan, hindi ko na inalam at inintindi yan. Basta sabi nila JRU pinaka angat, sumunod ang Mapua tas Arellano.

Maglalaban muna ang Arellano at Mapua para malaman natin sino ang huling team na papasok sa final 4. Pagkatapos naman nun, lalabanan ng JRU ang panalo para malaman sino sakanila ang 3rd place. Yung talo naman dun, malamang 4th place!

Itong San Beda at Letran naman, parang aso’t pusa, ayaw padin tantanan isa’t isa. Tied nanaman sila so maglalaro pa sila para malaman natin sino ang 1st place.

Alam niyo ba, 9 years ng 1st place itong San Beda papasok ng final 4? Oo, 9 years sunod sunod! Asan ka pa nun? Kalbo padin ako nun, pero kahit na. 9 years, grabe! Tas yung huling team pa na nag 1st place bago San Beda, sino pa ba? Edi Letran! Akala mo scripted eh! Kaya nga naman, may extrang story pa tong laban nila!

Kita niyo na? Yan pa mangyayari bago pa tayo mag final 4 talaga! Pero this week, maaayos natin lahat yan! Bukas maglalaro yung Arellano-Mapua tapos San Beda-Letran. Sa Friday naman, dun lalaro yung panalo ng Arellano-Mapua tsaka JRU. Kaya promise talaga, final 4 na tayo next week! Natraffic lang ng onti tong final 4 natin pero dadating din tayo diyan.

Pero next week pa yan, focus muna tayo sa mga laro bukas:

 

Arellano vs Mapua:

Ako magccover nito bukas! Ako tsaka si Mr. Triceps, Anton Roxas. Excited na nga ako dito sa game na to eh. Dalawang teams na parehas takbo lang ng takbo! Bakbakan to, sigurado! Tsaka ang matatalo dito, magbabakasyon na! Tingin niyo ba papayag si Bus Driver? Malabo yun, brad! Eh si Allwell naman at mga bulilit niya? Malabo din eh! Pare parehas pala sila di papayag eh, wag na kaya natin laruin to?
Nung huling naglaban itong Mapua at Arellano nung September 18, nanalo itong Mapua Cardinals, 81-76. Dikitan bong game to eh, pero nung 4th quarter uminit na yung Mapua. Onga pala, 30 rebounds si Allwell nung game na to.

So para sa bukas, ano ba plano?

Para sa Arellano, unang una, kailangan muna nila mapahirapan si Allwell Oraeme. Si Oraeme talaga bumubuhat sa Mapua, 40 minutes pa nilalaro madalas! Kaya nga kung mapagod nila si Allwell, malaking bagay yun!

Kailangan maganda gising ng Arellano pag dating sa opensa. Alam mo naman si Jiovani, dadating at dadating yan. Mahahanap at mahahanap ka niya for open shots, ang tanong nalang eh kung maganda shooting ng mga kakampi niya sa araw na yun.

Kailangan maging agresibo ni Jiovani sa umpisa palang pero hindi din naman pwedeng siya lang kakamada sakanila. Importante na magstep-up mga kakampi niya katulad nina Salado, Holts, Gumaru at Nicholls.

Para naman sa Mapua, kailangan magtulungan ang mga bulilit nila para macontain si Bus Driver. Kung magawan nila ng paraan na mapasama nila laro ni Jio, halos tinalo mo nadin Arellano nun! Kailangan nila atakihin ng atakihin sin Jio para mapalaban pati sa depensa. Matatapang naman sina Menina, Que at Nieles eh, I’m sure di babackdown sa challenge mga yun!

Onga pala, suspended si Biteng. Patapos na yung game, nanira pa. Sayang, malaking tulong sana yun.

Kung kailangan ng Arellano na maganda gising nila, ganun din sa Mapua. Mahirap talunin itong Mapua pag mainit sila sa labas. Hindi pwede magfocus kalaban nila sa loob kung mainit sila sa labas, kaya may space makadiskarte sa loob naman si Allwell. Kung aalalahanin ng Arellano yung mga bulilits sa labas, pati pa si Oraeme sa loob, maganda yun para sa Mapua.

 Tingnan natin. Tingin ko lang naman yang mga yan. Eh sino ba naman ako? Malalaman parin natin bukas ano gagawin ng parehas ng team wag lang malaglag at magbakasyon.

 

SBC vs CSJL

Eto nanaman tayo, San Beda – Letran. Pangatlong beses na to sa season natin. Siguradong classic game nanaman to! Lagi naman eh. Kung may Ateneo – La Salle, may San Beda – Letran.

Last week lang tinalo ng San Beda ang Letran, 77-73. Pumasok ng halftime, tambak na yung Letran eh! 43-25! Pero alam mo naman tong Letran, MAYHEM nga daw sabi ni Caoch Aldin. Ayun, humabol at pinaganda yung laro. Yun lang, kinapos sa dulo.

Alam mo yung mga ganitong laro, wala masyadong analysis eh. Talagang magpapatayan lang sila para dun sa panalo. Tinatapon palabas ng binatana lahat ng stats, mga prediction tsaka yung mga kung anu ano kasi pag laro na, bakbakan na basta San Beda – Letran!

Alam naman natin, walang legit na bigman itong Letran kaya 13 points at 15 rebounds si Ola Adeogun nung huling game. Malaking bagay yun and I’m sure gagawa ng paraan ang Letran para macontain si Ola sa loob.

Ang firepower naman ng Letran na nanggagaling sa big three nila, kailangan mapabagal ng San Beda. Pag uminit sabay sabay si Sting Rey, Ant Man at si Do-It-All, pano na? Kaya mapapalaban sa depensa itong San Beda lalo na mga wingman at point guards nila.

Malaking bagay din dito si Art Dela Cruz. Alam mo naman madaming nagagawa si Art sa loob ng court. Nakakashoot, nakakapasa at rumerebound pa. Aalalahanin nina Coach Aldin to, sigurado!

At the end of the day, malamang depensa ang magiging tema ng larong to. Kung sino sa dalawang team ang masmakakapagdala ng matinding depensa ang malamang mananalo. Sa tingin ko lang naman yun, sabi ko nga, sino ba naman ako?

 

Oh ayan! Bukas ah! Kita tayo! MOA na nga pala tayo! Ayos diba? Sossy na ang mga boys!

Kagulo padin sa NCAA pero matatapos din yan! Exciting naman kasi! Sa totoo lang, ayoko nga matapos eh!

Latest News