Kagulo sa NCAA: Playoff Preview 2.0

Mikee Reyes on Oct 16, 2015 11:48 AM
Kagulo sa NCAA: Playoff Preview 2.0
PATAS LANG? Nanalo ang JRU sa first round habang bumawi ang Mapua noong second round.

Guys, guess what? APAT NA LANG SILANG NATITIRA!! Sa wakas!!

Ilang linggo na natin iniintay yung final 4 teams natin na maglalaban para sa championship, eto na, andito na sila! Medyo natraffic lang. Nagkagulo sa daan eh.

Siyempre lang, nanghihinayang din naman tayo sa paglaglag ng Arellano Chiefs nung Tuesday. Isipin mo, ganun katinding team, di pumasok ng final 4? Deserving din naman sila pumasok, yun lang, may malalaglag at malalaglag talaga. Kaya nga final 4 eh, apat lang!

Napanuod mo ba yung game nung Tuesday? Kung papaano nag-dominate itong Mapua sa ilalim? Sama mo pa yung takbuhan nila? Grabe yung Oraeme naman kasi! Ano pa nga ba? 31 rebounds, parang wala lang. Re-rebound pa din ata to kahit tulog eh. Sama mo pa yung tulong nina Nimes, Menina, Isit at Nieles galing sa labas, pano na?

Kaya ayun, final 4 na ang boys ng Mapua. Isipin mo after the first round, 4-5 sila! Parang di nga lalaban para sa slot sa semis eh. ‘Tas ngayon, sila pa andun? Matindi nga naman tong mga bata ni Coach Atoy!

Pero hats off padin sa Arellano, lalo na kay Jiovani Jalalon. Ginawa talaga niya lahat ng makakaya niya. Nagcramps na nga, banat padin. 37 points, medyo wala ka ng hihingin pa. Yun lang, kinapos lang talaga sila. Bakasyon muna ang Chiefs, pero sigurado, babawi yan next year!

So dahil panalo ang Cardinals sa Chiefs, ano ibig sabihin nun? Ano pa ba?! Edi Cardinals at Bombers naman ang magkikita!

Naka-set na ang 1st and 2nd natin sa final 4. Dahil tinalo ng San Beda ang Letran, sila na naman number 1. Oo, ten consecutive years na silang number 1! Oo, sila na! Sila na talaga!

Pero, number three at number four natin, tied pa din! So pano yun? Playoff nanaman tayo!

Yung matatalo mamaya, babagsak sa number 4. Ibig sabihin, Beda makakatapat nila sa Final 4! Sino ba naman gusto Beda makatapat? Twice-to-beat pa? Kaya nga kailangan Manalo! Para Letran katapat... Bale… Parang ganun din pala. Parang di din naman madali yun. Kung hindi Beda, Letran naman.

Ah, basta! Bombers-Cardinals mamaya!

Mapua Cardinals vs JRU Heavy Bombers

Brad, Mapua vs JRU. Mapua kontra JRU. Grabe nanaman to! Parang nakikita ko na!

Unang una, napanuod mo ba yung dalawang bakbakan nila this season?

Alala mo yung 17-point lead with less than 2 minutes left na naglaho dahil kay Teytey? Nabalitaan mo ba yun? Malamang, oo! Grabe yun eh! Sa Mapua niya ginawa yun!

Alalang alala ko pa yun, ako yung nagcover nung game pagkatapos nun kasi. Sabi ko nung mga 3 minutes to go nalang, “Ah wala na to.” Tas ganun pa nangyari! Teytey show!

Yung second round naman, dikdikan ulit! Hanggang sa last possession nanaman, di mo alam sino mananalo. Pero ayun, nakabawi itong Mapua! Kaya nga naman siguradong matindi nanaman tong laro mamaya!

Well, pagtiningnan mo yung line-up nila pareho, mas makakamatch-up talaga itong JRU keysa Arellano laban sa Mapua. May dalawang import kasi itong JRU na pagtutulungan si Allwell. Sabi ko nga na kailangan gawin ng Arellano para matalo Mapua, pagtulungan si Allwell. Bale di nila nagawa, kaya ayun.

Pero itong JRU, mas kakayanin nila to. Meron silang Poutuchi at Abdul Wahab na sigurado nakafocus lang kay Oraeme. Baka si Oraeme nadin napanaginipan ng dalawang to kagabi eh.

Sa labas naman, match na match din! Kung may bulilits ang Mapua, may Teytey-Pontejos naman yung JRU. Kagaya ng mga bulilit, grabe din kasi pag uminit itong dalawang to, di mo alam pano babantayan eh.

Yung Nimes lumitaw na nung isang araw, bumalik na yung laro! Matagal tagal din inintay ng Mapua yung Nimes na yun. Ganun pagkakilala kasi natin sakanya. Dahil dun, Iintindihin siya ng JRU. Pero may Jordan Dela Paz din naman sila. Matangkad din at maliksi sa depensa! Inaasahan ko, siya naka assign bumantay kay Josan.

Kita naman na ang match na match pagdating sa mga materyales ng teams, pero pano nga ba aangat ang isa sakanila niyan?

Para sa JRU, kailangan talaga nila icontain si Oraeme. Kahit sinong team na makakalaban ng Mapua, yun ang unang unang kailangan nila gawin para magkaroon ng chance manalo. Gawin na nila lahat para mabox out kasi, wag lang makarebound! Kung kailangan nila hubaran ng shorts kada talon ni Allwell, gawin na nila!

Pangalawa, kailangan ma-contain nila yung takbuhan ng Cardinals. Lahat kasi talaga sa Mapua, tumatakbo, ultimo si Oraeme kala mo sprinter din eh! Kaya matinding transition defense ang dapat baon ng JRU. Pagtira, baba agad! Pag nagturnover, baba nalang agad! Baba lang ng baba! Ngayon, palang, hoy Teytey, BABA!

Panghuli, kailangan talaga gumana ni Pontejos at Teodoro. Kung walang ilalaro itong dalawang to, mahihirapan ang JRU. Kung kaya nila uminit ng sabay mamaya, why not? Lalaki tsansa nila! Kaya kayong dalawa diyan, sana maaga kayo natulog kagabi. Sana magkatabi nadin kayo natulog! Kakailanganin kayo ng buong JRU community!

Para naman sa Mapua, ganun padin eh, paganahin si Allwel sa ilalim at kumamada naman yung iba galling sa labas. Kaya nagkakaroon ng space makadiskarte si Allwell sa ilalim, kasi napapaisip ng mga shooter ng Mapua kung pano dedepensa yung kalaban.

Kung hindi sila gumagana sa labas, pwede nila sikipan yung ilalim para mahirapan si Allwell. Eh kung kumakana naman sila galling sa labas, pano na? Lalabas ba sila sa shooters o magtutulungan sa ilalim? Kaya kailangan maganda nanaman gising ng bulilits at ni Nimes.

Kagaya ng huling laro nila, aasahan nanaman ng Mapua si Josan. Crunchtime na, kailangan na nila kapitan nila. Kung nakalusot sila nung eliminations na hindi masyado gumagawa si Josan, hindi na ngayon. Kakailanganin nila yung leadership at experience ni Josan.

Pasok na sa Final 4 itong parehas na team. Mapua, first time since 2010! JRU naman, kinailangan manalo ng six straight para pumasok. Kaya naman parehas talagang deserving itong dalawang koponan na to itong naabot nila this season. Pero siyempre, kung pwedeng mag 3rd place, bakit hindi diba? Kaya ito na! Malalaman na natin mamaya sino ang 3rd at sino ang 4th place!

At the end of the day, malapit na talaga ang ating Final 4! Konting tulog nalang, guys!

Nga pala, MOA na lagi! Sossy! Kita kita dun ah!

PS. I just wanna send my condolences to Paolo Pontejos and his family. Everything happens for a reason, kahit di mo pa makita at matanggap sa ngayon, malalaman at malalaman mo yung rason sooner or later. Wish you all the best, Pao. Kahit mahirap maglaro mamaya, alam ko gusto ng daddy mo na andun ka dahil alam niyang ang court at bola ang nagpapasaya sayo. Stay strong, Pao!

Latest News