FINALS NA!

Mikee Reyes on Oct 22, 2015 07:36 PM
FINALS NA!
Animo o Arriba?

Sa lahat ng kagulo na nangyari sa NCAA this season, andito na tayo! Finals na bukas, brad!

Akalain mo yun, nagsimula tayo sa sampung team. Nagkagulo ang anim dun kasi nga walang gusto magpahuli. Galing dun sa anim, nalaglag ang reigning MVP natin at si Bus Driver! At galing naman dun sa four, nagpakita ng kakaibang galing ang dalawang koponan. Kaya, eto na tayo! San Beda-Letran na, brad!

Nakakatawa lang, buong season naghahabulan sa taas ang San Beda at Letran tas nanggugulo yung apat sa ilalim. May time pa na mukhang Letran ang matatanggal kasi sila yung may pinaka mahirap na schedule kumpara dun sa lima.

Sama mo na din Beda! Alala mo first place San Beda pero may chance pa sila malaglag? Kita mo yun, sila pa nagabot dito. Nagkagulo pa, sila lang din pala talaga maglalaban para sa championship.

Bukas, guys, Game 1 na! Sigurado, maraming susubaybay dito sa Finals natin kasi nga malaking rivalry to eh! Pero bat nga ba talaga exciting tong match-up na to? Simple lang naman eh. Ito yung 5 rason bat excited na excited ako mapanuod tong finals natin:

1. Kaninong BIG 3 ang mas matinik?

Cruz-Nambatac-Racal vs Dela Cruz-Amer-Adeogun! Wild!

Kadalasan excited tayo makapanood ng match-up between two players, pero ngayon, may tig tatlong superstar itong teams natin! Makikita natin sino ang mas matinding trio sa NCAA, yung mga langgam ng Letran na pinangungunahan ni Mark Cruz o yung trio ng San Beda na pwede ng tayuan ng statue sa labas ng San Beda gym?

Pero kung sakaling mag-cancel out lang yung labanan ng dalawang big three natin, malaking bagay ang pagpasok din naman ng bench at role players ng bawat team.

Alam naman natin malaki tiwala ni Coach Jamike sa mga bench players niya pero makakadala kaya ito ulit ng panalo para sa San Beda katulad nung final 4 win nila kalaban JRU? Or, magpapakitang gilas ang role players ng Letran at sabihin, “Uy, puro kayo San Beda bench eh, malaki na inambag namin sa team na to kaya nga papasok kami ng Finals.”?

Malalaman natin yan!

 

2. No import, no problem?

Maraming nagsabi before this season na mahihirapan ang Letran lumaban sa mga teams natin kasi wala silang import. Oo nga naman, pano ka nga ba mamatch-up sa team na may Ola nang walang import? Oraeme pa? Bright? Poutouchi tsaka Abdul Wahab? Pano nga ba? Ayun, kung ano ginawa ng Letran. Ganun!

Oo, masmalaki pa biceps ng coach nila kesa sa mga players nila! Pero, ginawan nila ng paraan. Tumakbo ng tumakbo, umatake ng umatake. Dinaan sa matinding depensa at sipag tapos humanap ng mga butas sa opensa. Kaya nga MAYHEM ang battle cry nila eh. kumbaga bahala na, basta lalaban sila!

Ang tanong, makakadala kaya ng championship itong all-Filipino line-up ng Letran? Ang huling nag-champion, na hindi San Beda, sa last 10 years, walang import! Alala niyo pa ba yun? Panahon ni THE BEAST!

Mangyari kaya uli to? All-Filipino champs?

 

3. Kayo, kayo, kayo! Kayo naman lagi eh!

Dalawa lang ang pwedeng mangyari pagkatapos ng Finals na to, matuloy ang pagdominate ng San Beda sa NCAA o, finally, may iba naman!

Pang sampung sunod na Finals na ng San Beda to. Simula 2006, hindi na sila nawala sa finals! Sa siyam na huling finals appearance nila, once lang sila natalo. Sa ngayon, nakaka six five championships na sila. Ano ba naman yun? Kulang na lang sila na magatakbo ng buong liga eh! Ganun din, parang sila lang nageenjoy!

Taon taon parang inaabangan ng mga tao kalian ba talaga matatalo ang San Beda? Di nalalayo sa Spurs eh, kalian ba talaga sila tatanda?! Ganun na ganun din sila. Kaya ito na naman tayo, mangyari na kaya? O talagang ayaw mag give chance ng San Beda?

 

4. Sino ba talaga masmalakas mangasar? Bedista o Letranista?

This year lang talaga ako regular na nakapanuod ng live sa NCAA. Isa sa mga na-realize ko, matindi asaran at hiyawan ng crowd! Lalo na pag San Beda at Letran magkalaban!

Alam ko naman dati pa na sila talaga magkaribal sa NCAA, katulad ng Ateneo-La Salle sa UAAP. Alam naman natin lahat yun. Pero nakanuod ka na ba ng live? Ay, grabe! May mga banner pa eh! Ang lalakas din nila mang-asar! Sigurado ako, maglalabas na ng props at kakaibang gimmick ang mga fans ng bawat school. Finals na eh!

Huling laban na to, guys. Wala ng bukas! Labasan na ng baraha!

 

5. Aldin Ayo vs Jamike Jarin

Bago magsimula ang season na to, madalas mo marinig yung pagpalit ng coach ng San Beda. Yung pagpasok ni Coach Jamike Jarin, malaking balita. Former juniors coach sa Ateneo, nag assistant sa PBA tas nag coach din ng national team. Matindi dun, successful siya sa lahat ng level! Ano pa nga ba hahanapin mo?

Hyped ang pasok ni Coach Jamike sa San Beda, at tama lang din naman! Pero, nagpalit din ng coach ang Letran this year. Pumasok ng tahimik si Coach Aldin Ayo. Under the radar si Coach Aldin pagpasok ng season. Actually, throughout the season nga eh!

Hindi sikat na coach si Coach Aldin bago nagsimula ang season. Ang alam ko nga lang nung una ko siyang nakita eh batak siya! Pero nagpakilala siya unti-unti. Binalik niya yung laro at attitude ng Letran kung san talaga sila kilala. Alam na alam niya yun, player din siya ng Letran dati eh.

Sila ang naghari sa NCAA halos buong season. Nung huli lang talaga naunahan sila ng San Beda. Pero kahit na, finals sila! May umakala ba nun?

So bakit nga ba parang onti palang din yung rumerespeto kay Coach Aldin? Bakit walang nagbibigay sakanya ng credit? At the same time, madaming nagcriticize kay Coach Jamike na baka hindi niya kaya dalhin ang San Beda sa pang-anim na sunod na championship nila.

Parehas na coach, pinrove ang mga sarili sa season na to. Ang tanong, so sino ang magiging champion rookie coach natin? Yung Coach Jamike na kilalang kilalang winning coach, o si Coach Aldin na tahimik na nagpakilala? Exciting!

Ayan. Yan ang mga dahilan bat sobrang excited ko na para sa series na to!

San Beda-Letran. Lions-Knights. What a match-up! Parang pinlano eh! Promise, hindi scripted to!

Oh ano? Kita kita bukas! MOA Arena, 4pm!

Latest News