Bagong anak, muling pag-laban sa Pilipinas ang nagsisilbing motivation para kay Eduard Folayang

Santino Honasan on Apr 04, 2017 03:58 PM
Ano ang motivation ni Eduard Folayang sa kanyang laban?
"Gusto ko makita ng anak ko sa future na hindi ko lang napanalunan yung title, pero nadefend ko din ito," - Eduard Folayang (Photo courtesy of ONE Championship)

Kung tatawaging highlight ng career ni Eduard Folayang ang kanyang pagka-panalo ng ONE Championship lightweight world title noong nakaraang November sa Singapore, walang duda na highlight naman ng buong buhay ni Eduard ang pagka-panganak ng kanyang unang anak, si baby Yeshuareigns, noong nakaraang March 13. 

Ngayon naman, naghahanda na si Eduard para depensahan ang kanyang championship kontra kay number one contender Ev Ting sa darating na April 21. 

Para sa kampeon, ang pag-silang ng kanyang anak ay tila nagisislbing motivation para depensahan ang kanyang corona. 

"Mas motivated ako para sa laban na ito. Gusto ko makita ng anak ko sa future na hindi ko lang napanalunan yung title, pero nadefend ko din ito," sabi ni Eduard sa isang media scrum. 

Pero maliban sa kanyang anak, ibinahagi din ni Eduard na ang muli niyang pag-laban sa Pilipinas, sa harap ng kanyang mga kababayan, ay siya ding nagbibigay sa kanya ng gana na magpakitang-gilas. 

Sa huling mga naging event ng ONE Championship sa Maynila, walang naka-schedule na laban si Eduard, at nadun lamang siya upang maging "spectator", ika nga. 

"Mahaba yung paahon na wala ako sa paglalaro sa Pilipinas. Spectator lang ako on those events that they held in the Philippines," 

Dagdag pa ni Eduard na ngayon, babalik siya hindi bilang ang co-main event, kundi ang kampeon, at ang siyang lalaban sa main event. 

Pagkakataon din ito para burahin ang mapait na alaala ng kanyang huling laban dito sa bansa, kung saan siya'y na-knockout ni Timofey Nastyukhin noong 2014. 

"Hindi naman talaga mawawala yung pressure especially dito sa Pilipinas gagawin, pero maganda naman kasi we learned our lessons in the past." banggit ni Eduard. 

Matapos ang mahigit dalawang taon, muling lalaban si Eduard sa kanyang inang bayan, at babalik siya bilang kampeon, para sa pinaka-importanteng laban ng kanyang buhay. 

 

 

Dedepensahan ni Eduard "The Landslide" Folayang ang kanyang ONE Championship lightweight title kontra kay Ev "ET" Ting sa ONE Championship: Kings of Destiny sa darating na Biyernes, April 21 sa Mall of Asia Arena! 

Latest News