PANOORIN: Ev Ting, sinagot ang Balut challenge ni Eduard Folayang

ABS-CBN Sports on Apr 07, 2017 01:22 PM
Ev Ting, sinagot ang Balut challenge ni Eduard Folayang
Kinaya kaya ni Ev Ting ang Balut challenge? (Photo courtesy of ONE Championship)

Kasado na ang kanilang laban. Wala na itong urungan. 

Sa April 21 sa Mall of Asia Arena sa Pasay city, maghaharap ang reigning ONE lightweight world champion na si Eduard "The Landslide" Folayang at ang number one contender na si Ev "ET" Ting. 

Pero bago mag-harap ang dalawang mandirigma sa loob ng cage, aba'y, ibang hamon muna ni Folayang ang sinagot ni Ting. 

Kung matatandaan, ipinakita sa atin ni Folayang kung paano ang tamang pagkain ng Balut, isang Filipino delicacy, at kanya ding inudyok na subukan ng lahat, kabilang si Ting, ang pagkain nito. 

Bilang isang tunay na competitor na hindi umuurong sa kahit anong hamon, kumain nga ang Kiwi-Malaysian lightweight ang ng Balut egg. 

Panoorin kung ano ang naging reaksyon ni Ting: 

 

 

@evting accepts the balut 🥚challenge! Next on the menu: the ONE Lightweight World Championship. #ONEFightNight #manila #MMA

A post shared by ONE Championship (@onechampionship) on

 

Panoorin ang paghaharap ni Folayang at ni Ting sa ONE Championship: Kings of Destiny, April 21, LIVE sa S+A channel 23!  

Latest News