Kahit Semana Santa, tuloy-tuloy ang trabaho para sa Team Lakay

Santino Honasan on Apr 14, 2017 09:16 AM
Kahit Semana Santa, tuloy ang trabaho para sa Team Lakay
Maski-Huwebes Santo, tuloy ang ensayo para sa Team Lakay.

Para sa nakararaming Pilipino, ang Semana Santa ay oras para sa bakasyon, pahinga, at pag-sasakripisyo. Ito ay ang pagkakataon na, kahit ilang araw lamang, ay matakasan ang pang-araw araw na trabaho. 

Pero para sa Baguio-based mixed martial arts stable na Team Lakay, tuloy-tuloy lang ang trabaho, kahit na Holy Week.

Mas lalo na ngayon, na isang linggo na lang ang nalalabi bago sumabak muli sa laban ang mga Team Lakay members na sina Eduard "the Landslide" Folayang, Kevin "The Silencer" Belingon, Honorio "The Rock" Banario, Danny Kingad, at Gina Iniong. Sila'y nakatakdang lumaban sa ONE Championship: Kings of Destiny sa Mall of Asia Arena, Manila, ngayong dadating na Friday, April 21. 

"Syempre, bilang Kristiyano naman, hindi lang sa Holy Week yung pag-samba natin, meron din naman tayong time na mag-samba," sabi ni Team Lakay head coach Mark Sangiao. 

Relihiyoso ang mga miyembro ng Team Lakay, ngunit dahil nga nalalapit na ang kanilang mga laban, maliit lamang ang puwang para mag-pahinga, lalo na't lahat sila'y ninanais na magbigay ng magagandang performance sa harap ng mga kababayan na manonood sa Mall of Asia Arena. 

"Kailangan talaga sa nature ng trabaho natin, walang rest, lalo na't malapit na yung laro." dagdag ni Coach Mark. 

Regular ang ginawang training ng Team Lakay nung Maundy Thursday, na tumagal mula 6:30 PM hanggang 9:00 PM sa kanilang main gym sa La Trinidad, Benguet. 

Kinabukasan naman, Good Friday hanggang Black Saturday, tutungo ng Team Lakay sa San Fernando, La Union para makapag-training sa dagat. 

Ayon kay Coach Mark, jogging at cardio ang magiging focus nila sa La Union, at may rason kung bakit nila dito napiling pumunta. 

"Yung pag-punta sa beach sa Friday and Saturday, pag-sanay din sa kanila sa init and para mag-acclimate," 

Pero, mayroon din palang isa pang rason ang pag-punta nitong mga Benguet warriors sa beach...

"gusto din nila mag-tanning para maganda yung balat sa TV," pa-biro na binanggit ni Coach Mark. 

 

Dedepensahan ni Eduard Folayang ang kanyang ONE lightweight world championship kontra kay Ev Ting ng Malaysia sa main event, habang lalabanan naman ni Kevin Belingon si Toni Tauru ng Finland sa co-main event. 

Kakalabanin ni former ONE featherweight world champion Honorio Banario si Jaroslav Jartim ng Czech Republic, at magtatapat si Danny Kingat at si Muhammad Aiman ng Malaysia. 

Para sa kanyang ONE Championship debut, kakalabanin ni Gina Iniong ang Fil-Australian na si Natalie Gonzales-Hills. 

 

Mapapanood ang lahat ng laban na ito at iba pa sa ONE Championship: Kings of Destiny, LIVE sa Friday, April 21, 8:30 PM sa S+A channel 23! 

Latest News