Eduard Folayang mas determinado ngayong may anak na

Santino Honasan on Apr 18, 2017 05:54 PM
Folayang mas determinado ngayong may anak na
"I am in this sport, that's I am deterimined to do everything, not only for my own, but for my family." - Eduard "the Landslide" Folayang

Maraming nagbago sa buhay ni reigning ONE lightweight world champion Eduard 'the Landslide' Folayang nang siya'y mabigyan ng isang biyaya, ang kanyang unica hija na si Yeshuareigns, na pinanganak noong nakaraang Marso. 

Maliban sa pang-araw araw na gawain tulad ng pag-papalit ng diapers at pagpapatulog ng sanggol, na pabirong binanggit ni Folayang na bagong aspeto ng kanyang training, mas nagkaroon umano ang tubong-Baguio ng mas malalim na pag-unawa sa pinagdadaanan ng mga nanay sa pag-aalaga ng anak. 

"Siyempre, more na naiintindihan ko yung dinadanas ng mga kababaihan, and I praise all the mothers out here," wika ni Folayang sa naganap na ONE Championship: Kings of Destiny press conference sa City of Dreams Grand Ballroom. "Mahirap yung mga pinag-dadaanan niyo, especially yung pag-nurture ng bata, at isa yun talaga na maappreciate mo, having your first child."

Dagdag din ni Folayang na bilang isang ama, mayroon na siyang mas malaking responsibilidad, at ito ang maging tagapagtustos para kanyang bagong pamilya.

"More na determined ka na siyempre, you need to be a good provider sa iyong magiging anak, and the more na pag-iigian mo yung area na nasan ka," sabi ni Folayang. 

"I am in this sport, that's I am deterimined to do everything, not only for my own, but for my family. "

Sa dadating na April 21, Biyernes, dedepensahan ni Folayang sa unang pagkakataon ang kanyang ONE lightweight championship kontra kay Ev "ET" Ting ng Malaysia sa ONE Championship: Kings of Destiny na gaganapin sa Mall of Asia Arena, sa Pasay City, Manila. 

Mapapanood ito live simula 8:30 PM sa S+A channel 23

Latest News