Ibang mga lungsod sa Pilipinas, target ng ONE Championship

Santino Honasan on Apr 18, 2017 07:08 PM
Ibang mga lungsod sa Pilipinas, target ng ONE Championship
Ilan lamang sina Brandon Vera, Eduard Folayang, Mark Striegl, at Joshua Pacio sa mga stars na Pilipinas ang ibinabandera sa ONE Championship.

Sa darating na Biyernes, muling babalik ang Asian MMA promotion na ONE Championship sa Maynila para sa Kings of Destiny, kung saan dedepensahan ni ONE lightweight world champion Eduard Folayang ang kanyang korona kontra kay Ev Ting ng Malaysia. 

Ito ang ika-sampung fight card na itatanghal ng ONE Championship sa Maynila simula nung nabuhay ang promotion noong 2011, at mula noon, lalo nang lumaki ang sport ng MMA o mixed martial arts sa Pilipinas. 

Dahil sa pag-laki ng MMA sa bansa, marami nang iba't ibang lugar sa Pilipinas na pwedeng maging venue para sa mga ONE Championship events, hindi lamang sa Maynila. 

Dati nang nabanggit ni ONE Championship Vice President Rich Franklin na posibilidad ang pag-labans ng ONE Championship sa Maynila, at muli itong binigyang pansin ni ONE Championship Vice President for Public Relations na si Loren Mack. 

"I think the reality is that the Philippines is MMA crazy. You can't put on enough shows in a year to satisfy the demand. (Ang katotohanan ay ang Pilipinas ay mahilig sa MMA. Kulang ang ipinapalabas namin para mapawi ang pangangailangan.)" 

Dagdag pa ni Mack na maraming malalaking lungsod sa labas ng Maynila ang naghahanap ng event ng ONE Championship, at tinitignan lang nila kung kelan ang tamang oras para matuloy ito. 

"Major cities outside Manila have been demanding an event for a very long time such as Cebu. It's something we keep an eye on, we're open to it and we're looking at when the best time to do this. The fanbase is there. It's not a matter of if, but when. (Malaking lungsod sa labas ng Maynila, tulad ng Cebu, ang matagal nang naghahanap ng ganitong event. Nandyan na ang fanbase. Pinag-aaralan namin ito at bukas kami para dito, ang tinitignan lang namin ay kung kelan ang tamang panahon para gawin ito.)" 

Naniniwala si Mack na patuloy lang ang pag-laki ng ONE Championship, at ang kabuuhan ng MMA sa Pilipinas, at para sa kanila, patuloy lang silang magbibigay ng produkto para sa mga Pinoy na MMA fan. 

"We're confident that it's gonna continue to grow. This is our tenth event, we're gonna talk about it the 20th, 30th event (Kampante kami na patuloy lang itong lalaki. Ito ang aming ika-sampung event, at patuloy natin itong paguusapan sa aming ika-dalawampu at ika-tatlumpung event.)" 

 

Sa dadating na April 21, Biyernes, dedepensahan ni Folayang sa unang pagkakataon ang kanyang ONE lightweight championship kontra kay Ev "ET" Ting ng Malaysia sa ONE Championship: Kings of Destiny na gaganapin sa Mall of Asia Arena, sa Pasay City, Manila. 

Mapapanood ito live simula 8:30 PM sa S+A channel 23

Latest News