#SquadGoals: The DOTA-obsessed San Beda Red Lions

ABS-CBN Sports on Jun 20, 2016 09:41 PM
#SquadGoals: The DOTA-obsessed San Beda Red Lions
The Mendiola team likes to apply some of their (computer) gaming skills in basketball. (Photo by Rxandy Capinpin for Chalk Magazine)

With seniors Baser Amer, Art Dela Cruz, and Ola Adeogun now gone, the young San Beda roster aims to step further up to level the playing field. While a desired six-peat didn’t happen, the team is still hopeful to claim the crown back a la REDemption in 2010—the year that bore fruit to a five-peat until legendary rival Letran seized the title last season.

How are the lions planning to make things work in #NCAA92? Says Javee Mocon’s, “Walang ‘veteran veteran,’ lahat rookie. Lahat kailangan mag-work hard, ganun yung atmosphere ngayon, eh.”

“Very competitive yung team, eh,” co-captain Radge Tongco seconds.

We recently caught up with these hungry lions and for the next season, discussed how they’re cooking a stronger team on the court and at the dorms.

 

Stop over @ Korea 🇰🇷

A photo posted by Radge Tongco (@radgetongco) on

What’s your favorite thing to do to bond?
Mocon: DOTA. Minsan lumalabas kami, nag-chichill lang, nag-hahang out lang.
Tongco: Movies!
Dan Sara: After training, sabay-sabay pumupunta sa dorm then sabay-sabay matulog, sabay-sabay kumakain. Pag walang ginagawa yung iba, mag-doDOTA. We also have a Viber group so that we can stay in touch with each other. Even when we’re not in the court, we’re still connected.
Mocon: Puro kalokohan lang naman yung sinesend sa Viber group, eh. Ha ha!

How do you compare DOTA with basketball?
Sara: Asaran.
Mocon: Strategy, eh. Kailangan talaga mag-isip.
Bolick: Tapos kailangan may magbubuhat talaga.
Sara: Team play kasi, eh.

How do you deal with fights?
Sara: Hindi mawawala sa family yung may tampuhan, may pikunan. But then, at the end of the day, we’re still brothers.
Tongco: Kina-calm down lang namin ang isa’t-isa, and we say na we’re all brothers here, so we should be one family. It’s okay to fight about things, pero after practice dapat ma-settle na, back to normal na.

Do you ever fight over girls?
Robert Bolick: Sa team talaga namin, lahat kaming mga veterans, may mga girlfriend na din. Yung mga nakikita namin na may mga girlfriend na medyo, hindi sila okay, lolokohin lang namin, aasarin namin. Lalong-lalo na si Mocon, kasi siya talaga yung heartthrob ng team naming. Ha ha!
Sara: After ng asaran namin, we end our conversation with payo or advice. Ako, as a kuya nila, kasi ako na pinakamatanda.

Do you guys have a unanimous crush?
Bolick: Basta sa akin, walang iba, Jessy Mendiola! Talagang crush ko siya since bata pa ako. Emma Watson din. Tsaka siyempre si Aby Maraño!
Mocon: Anne Hathaway ako, eh.
Bolick: Tanda na nun ah!
Mocon: Pero maganda pa din!
Sara: Marami akong crush eh, pero siyempre isa lang yung mahal ko, yung girlfriend ko!

 

SQUAAAD GOALS. #GrandSlamChamps 🏀🏆🎉🔴⚪️

A photo posted by Radge Tongco (@radgetongco) on

Who’s the team heartthrob?
Bolick: Si Dan!
Sara: Ha ha! Mga baliw!
Mocon: Pagbigyan na natin!
Bolick: Pagbigyan na natin, last year na niya kasi! Ha ha!

Who’s the most stylish?
Bolick: Si Jeramer [Cabanag] para sa akin.
Mocon: Si Radge!
Sara: Tignan mo yung kotse niya, maporma!

Who’s the most astig?
Unanimous: Si William Navarro!
Tongco: Astig yun. Taga-Greece yun, Spartan yun!
Bolick: Hindi siya nag-iimik, eh.
Sara: Well, rookie siya, and siya yung napag-titripan, pero hindi siya matampuhin, cool lang siya.

Who’s the nerdiest?
Bolick: Ako!
Sara: Ha ha! Inamin agad? Binuhat yung sarili niyang bangko! Si Davon Potts!
Bolick: Hindi, brad, si Calvin Oftana!
Sara: Davon! Hindi masyado sumasama si Davon, nag-aaral eh.
Bolick: Si Calvin din, nag-aaral yun eh!

Who’s the jokester?
Tongco: Ito, si Berto.
Bolick: Ako na ‘yun.
Sara: Si “Redford White.” Bakit Redford White? Tignan mo na lang yung itsura!
Bolick: Basta yung pinakapatawa, sya pinakapogi!
Mocon: Basta pag-nakasama mo ‘yan sa kahit na ano, kahit saan, magsasalita talaga.
Tongco: Hindi nauubusan ng kwento ‘yan.
Sara: Siya daw pinakamayaman sa buong Pilipinas!
Bolick: Pinakagwapo, pinakapalatawa, pinaka-studious, ako na ‘yun.
Mocon: Ayan na. Nakakatawa nga.

 

Change is coming #DU30 for president!! 👊#animosanbeda

A photo posted by robert lee bolick (@babesbolick) on

–Interview by Santino Honasan

Latest News