Say hello to Hubert Cani

Santino Honasan on Sep 02, 2015 04:37 PM
Say hello to Hubert Cani
I BELIVE I CANI FLY. Hubert Cani will finally suit up for the Blue Eagles in Season 78

Just a few days ago, it looked as if Hubert Cani would be sitting out yet another season for the Ateneo Blue Eagles, thanks to an initial list of ineligible players released by the UAAP.

This UAAP’s declaration to deem Cani ineligible came after Senator Pia Cayetano’s bill on removing the residency rule was passed. Days later, the bill became law after President Noynoy Aquino signed RA 10676, effectively removing the UAAP’s residency rule.

Coming into the UAAP Season 78 Press Conference last Tuesday however, Cani’s status with the Blue Eagles was still uncertain, until Ateneo board member Richard Palou, in a very simple message, confirmed what every Blue Eagle fan was hoping for.

“He can play,”

 

Before being deemed ineligible, and then eligible again, ABS-CBN Sports caught up with the former NU Bullpup, who’s nothing short of excited to play for the Blue Eagles in the upcoming UAAP season.

ABS-CBN Sports: Kamusta yung pakiramdam na finally, makakapag-laro ka na for Ateneo?

Hubert Cani: Sobrang, “finally.” Ito na yung parang pinaka-dream namin eh, na makapag-laro dito, so feeling namin sobrang blessed kami na maging part kami ng Blue Eagles, na makalaro this year. Sobrang excited na ako para sa season na ‘to.

(Editor’s note: By “kami”, Cani was obviously referring to fellow Blue Eagles newbie and the very reason behind the UAAP’s residency rule Jerie Pingoy. But we’ll get to Pingoy a little later.)

A: Para lang sa mga hindi nakaka-alam, ikwento mo sa kanila kung saan ka nang-galing.

H: Naglaro ako nung high school sa National University, at nakapag-champion ako nung last year ko, tsaka Finals MVP.

A: Ilang years yung kinailangan mong i-serve na residency?

H: Nag-one year residency lang ako, kasi yung bill ni Senator Pia Cayetano, naipasa na, so this year makakalaro na ako.

A: Yung one year na ‘yun na nag-reresidency ka, anong tumatakbo sa utak mo noon?

H: Siguro yung one year na ‘yun, for me, for me, it’s my preparation for the coming year. Para sa akin, okay lan naman na mag-sit out ng one year, kasi marami pa akong kailangan i-improve eh, tsaka hindi rin naman ako na-bakante kasi maraming liga yung Team B, kaya dun ako lagi nag-ttraining, may laro din kami, so parang yung sistema, parehas lang, kaya nakukuha ko agad yung sistema sa Team A.

A: Since nasabi mo na nga marami kang kailangan na i-improve, nung one year na nag-sit out ka, para sa’yo ba, na-improve mo yung mga bagay na kailangan mong ayusin?

H: Siguro naman, medyo confident naman ako na nagawa ko yung mga kailangan ko, tsaka tuloy-tuloy naman yung training namin, so marami pang time para ma-perfect yung hindi namin na-aayos pa.

A: Maliban kay Kiefer Ravena, siguro kayong dalawa ni Jerie yung aabangan ng mga tao, kasi kayong dalawa yung big names na bago this season, and especially para sa mga fans, sa mga Ateneo fans kasi ang tagal nilang hinintay na makita kayo maglaro. Para sa’yo ba, pressure yun?

H: Syempre, pressured din kami, kasi maraming mag-eexpect sa amin, yung mga captain-ball namin, si Kief, si Von [Pessumal], malaki expectations nila sa amin eh. Kailangan mag-deliver talaga kami sa mga game. Kaya kami kinuha e, may maitutulong talaga kami sa team, kaya kami nandito sa Ateneo.

A: Sinasabihan ba kayo ng mga veterans niyo na “This year, kailangan bumawi tayo.”?

H: Obviously, syempre, kailangan namin bumawi, kasi natalo kami eh last year eh, so kailangan namin gawin yung lahat para mapunta ulit kami sa top, kasi yun naman yung dream ng lahat ng school eh, yung makapunta ulit sa top at maka-champion, kaya syempre gagawin namin yung lahat para makabalik dun.

A: Ngayon, kamusta naman yung adjustment, mo with the team, tsaka sa rotations?

H: Okay naman, nakakapag-adjust naman. Halos two years na din naman akong nagttrain sa kanila eh, so kung ano yung mga mali namin, kino-correct lang nung mga coaches, nila coach Bo. Kino-correct lang everyday sa training para ma-perfect namin.

A: Anong expectations mo for Season 78?

H: Gagawin namin lahat ng magagawa namin, syempre hindi kami papayag na mag-graduate sila Kief, si Von, si Fonso, yung mga beterano namin na hindi champion. Syempre ‘yun yung main goal namin. Top four, then kapag nandun na kami, syempre gusto namin mag-champion. Champion talaga yung habol namin.

A: Last na, excited ka na ba maglaro?

H: (laughs) Sobra! Sobrang excited ako, eto na ‘yun eh,  eto na yung feeling na makakapag-laro na, medyo kabado pa kasi ito yung first year ko sa UAAP college, sobrang laki ng difference nun sa high school. Sa college mas maraming tao, mas malaki yung pressure talaga, kaya gagawin lang namin lahat!

Latest News